Advertisers
MARIING kinondena ni Bise Presidente Leni Robredo si Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pambabastos nito sa mga health workers.
Binigyan-diin ni Robredo na walang karapatan si Roque para i-bully ang mga frontliners na sinusugal ang kanilang buhay sa laban kontra COVID-19.
Matatandaan na nag-trend sa social medial ang video kung saan makikita na napikon at tinaasan ng boses ni Roque ang ilang grupo ng mga doktor na nakasama niya sa isang Zoom meeting kaugnay sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Ayon kay Robredo, kaya nga ginawa ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa gayon ay mapakinggan ang lahat ng sektor kaya walang karapatan si Roque para mam-bully at mambastos.
Giit pa ni Robredo na karapatan lang din ng mga medical frontliners na ipahayag ang kanilang sitwasyon sa panahon ng pandemya sapagkat ikinakatawan lamang din nila ang kanilang sektor.
Dagdag pa nito na hindi deserve ng mga doktor ang treatment ni Roque sa kanila lalo pa at marami na nga sa kanila ang nalagas o namatay dahil sa COVID-19. (Josephine Patricio)