Advertisers

Advertisers

‘Drug princess’ ng Baguio, arestado sa warrant

0 204

Advertisers

BAGUIO CITY – Arestado ang drug personality na tinawag ng PDEA-Cordillera na ‘drug princess’ ng Baguio City nang magpositibo ang isinilbing search warrant sa bahay nito sa Magnolia Street, Upper QM, Baguio City, Martes ng gabi.

Kinilala ang nahuling High Value Target na si Alysia Allidem Singson, 29-anyos, online seller.

Nakumpiska sa operasyon ang anim na pakete ng shabu na may bigat na higit kumulang 12 grams at nagkakahalaga ng tinatayang P81,600.

Nakumpiska din ang isang botelya na naglalaman ng higit kumulang 2mL ng liquid meth, ilang pakete na naglalaman ng shabu residue, iba’t-ibang drug paraphernalia, isang caliber .38 at siyam na bala ng nasabing baril.

Nahaharap si Singson ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon kay PDEA-Cordillera regional director Gil Castro, anak ang suspek na si Singson ng tinaguriang ‘drug queen’ ng Baguio City na si Brenda Singson na convicted at nakakulong na sa Bilibid.

Aniya, ito na ang ikatlong pagkakataon na nasilbihan ng search warrant ang bahay nina Singson na nagsisilbing drug den at pick-up area ng iligal na droga.

Dinagdag pa ni Castro na plano nila na maideklara na nuisance ang nasabing bahay ng mga Singson para maisailalim sa forfeiture proceedings at nang hindi na ito magamit pa sa anomang aktibidad ng illegal drug trade.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More