Advertisers

Advertisers

‘Manyak’ na dadi inasawa 2 anak, pinakulong ni misis

0 101

Advertisers

Arestado ang isang lalaki na ituro ng kaniyang asawa na paulit-ulit na gumahasa sa kanilang mga anak na 10 at 7 taong gulang sa Tuy, Batangas.

Sa ulat, makikita sa video ng Tuy Police ang pagpunta ng kanilang mga tauhan at kinatawan ng municipal social welfare department sa bahay ng nagrereklamong ginang at inirereklamo niyang mister.

Positibong itinuro ng ginang ang 33-anyos na asawa.

Ayon sa ina, nalaman niya ang pang-aabusong ginagawa ng mister sa dalawa nilang anak nang dumaing ang isang bata na masakit ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

“Kung kailan wala ang ina saka ginagawa ang karumal-dumal na bagay dito po sa kanilang sariling bahay. Kasi simula six years old pa po siya (panganay) hanggang 10-years-old ay hinahalay na po ng sarili niyang ama,” sabi ni Police Major Von

“At itong pitong-taong-gulang naman ay mag-iisang taon na po niyang ginagawan po ng panghahalay,” dagdag ni Gualberto.

Ayon sa pulisya, tinangka ng suspek na magbigti sa loob ng kulungan, pero napigilan siya ng mga pulis.

Sinisikap ng mga awtoridad at MSWD ng Tuy, Batangas na bigyan psychological intervention ang mga biktima upang mabawasan ang trauma na kanilang sinapit sa sarili nilang ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More