Advertisers

Advertisers

Mommy napraning tinaga 2 anak

0 116

Advertisers

Sugatan ang isang dalaga at kapatid nitong menor de edad nang pagtatagain ng kanilang nanay na inatake ng depresyon sa Batangas Martes ng umaga.

Nagtamo ng taga ang magkapatid na babaeng 18-anyos at isang menor de-edad.

Sa report, 7:50 ng umaga, natutulog pa ang magkapatid sa kanilang sala nang bigla na lang silang pagtatagain ng kanilang 42-anyos na ina, gamit ang isang itak.

Agad namang nakasaklolo ang padre de pamilya at naawat ang nanay.

Itinakbo sa ospital ang dalawang bata na parehong tinamaan sa ulo.

Ayon sa mister, na-depressed ang kanyang asawa dahil sa problemang pinansyal simula ng magka- pandemya.

Supervisor sa isang kumpanya ang mister ng salarin samantalang Quality Controller naman sa isang electronics company ang misis subali’t kapwa naapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa Covid crisis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More