Advertisers

Advertisers

Police major ‘nagdyakol’ sa harap ng sales lady

0 521

Advertisers

BICOL – Napasigaw sa pagkagulat at takot ang isang sales lady ng hindi na pinangalanang establisimiento nang maaktuhan ang police major na naglalaro ng kanyang ari sa lungsod ng Legazpi.

Sa report, nagkubli sa isang lugar sa second floor ng nasabing business establishment ang pulis saka nag-masturbate sa harap ng sales lady na si alyas Mahinhin.

Nakuhanan pa umano ng CCTV footage ang insidente pero minarapat ng magkabilang panig sa naging pag-uusap na huwag na itong ilabas.

Nakarating na rin sa Police Regional Office 5 ang report at ayon sa tagapagsalita nitong si Police Major Malu Calubaquib, naaksyunan na ang reklamo at hinihintay na lamang ang pormal na paghahain ng kaso laban sa suspek.

Samantala, hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye ang PNP hinggil sa pagkatao ng suspek, kung saan ito nakadestino at kung ano ang posibleng rason sa ginawa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More