Advertisers

Advertisers

Bakuna sa 12-17 anyos aprub na sa health experts

0 252

Advertisers

INAPRUBAHAN na ng mga health experts ang rekomendasyon na bakunahan ang mga kabataan nasa edad 12-17 anyos at pinag-uusapan na lang ang petsa kung kailan ito target simulan.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, inaayos na ang mga guidelines para mabakunahan na ang mga bata.

“As a general policy, pumayag na ang all experts panel na magbakuna sa 12 to 17… yung time lang na kailan puwede at sino unahin,” ani ng opisyal.



Nasa priority list ng bakunahan ang mga bata na may comorbidities at kinakailangan din ang consent ng mga magulang.

Aniya, posibleng sa susunod na buwan ay masimulan na ang pagbabakuna sa mga bata.



Nakipagkoordina na rin ang DOH sa Department of Education upang mabakunahan ang mga teaching at non-teaching personnel upang protektado ang mga mag-aaral sakaling bumalik na sa face-to-face classes.

Ang Pilipinas ang isa sa limang bansa na hindi pa pinapayagan ang face-to-face classes simula ng covid pandemic. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">