Advertisers

Advertisers

PACMAN MULING LALABAN?HUWAG NAMAN!

0 289

Advertisers

DI na kakayanin pa ni boxing icon Manny Pacquiao ang isa pang matinding laban sa larangang nag-angat sa kanyang buhay- ang boksing.

Wala nang dapat patunayan pa si Pacman sa naturang bayolenteng sport na nagkaloob sa kanya ng ‘fame and fortune’ na ang puhunan ay ang bugbog ng katawan , lamog ng utak at isang paa sa kapahamakan.

Huwag na sanang patulan pa ni 8- division world champion ang udyok ng mga nakikinabang sa kanya na nang-uutong kaya pa nitong lumaban sa ring kahit na 42- anyos na siya dahil ang isa pang matinding bakbakan sa lona ang tuluyang pipinsala sa katawan at utak nito at kahit na isang eroplanong salapi ay di kayang gamutin ang damage na posibleng danasin nito.



Magpasasa nalang siya sa kanyang yaman habang may malusog na pangangatawan at huwag nang pansinin ang bulong ng mga sipsip na kumita sa kanya eh hihirit pa.

Ituloy na lang ni Pambansang Kamao ang kanyang bagong laban sa politika, huwag lang sa Malacañang dahil di nito makakaya ang karera at taas ng standard ng pagiging isang lider ng bansa.



Uubusin lang ang salaping kinita sa pakikipag-basagan ng mukha at makikinabang lamang ang mga makakapal ang mukha at switik na trapo na gagamit pa sa kanyang pagkadehado sa talino.

Kahit malalim ang balon, matutuyo din iyon at kapag talunan na, kamulat-mulat ni Pacquiao eh wala na siyang kasanggang biglang naglaho tangay at sunog ang kanyang pera…BEKE NEMEN.. ESEP-ESEP PECMEN!



HIMASOK NG ICC,MAY MGA TAKSIL NA PINOY KASI!

Ngayon pa lang, dapat nang ideklarang PERSONA NON GRATA ang sinumang kinatawan ng International Criminal Court (ICC) na nais pumasok sa bansa at manghimasok, mag-imbestiga sa Pangulo ng Pilipinas.

Kakapal mangelam ng mga linsyak na ICC matapos ang sumbong lang sa kanila ng mga taksil sa bayang pulahan at dilawan. Markahan ang mga taksil na ito,sila ang dapat na isinusuka at ibinabasura ng taumbayan.

Ang Pilipinas ay naisaayos ang peace and order dahil sa giyera kontra droga at ang rule of law at hudikatura ay umiiral sa bansa taliwas sa sumbong ng mga modernong makapili( tagaturo ng ipapahamak na kababayan noong panahon ng hapon) na ang layon ay ibagsak ang gobyerno. Dito lang sa atin libre ang batikusin ang Presidente at sinasamantala ang demokrasya.

Pero naman,naman ..kapag dayuhan na ang nangengealam sa kapwa Pilipino na isang halal pa ng makapangyarihang bayan eh dapat lahat ng Pilipino anumang kulay at sekta ay magkaisang tadyakan palabas ang mga pakialamerong dayuhan.

Sipain ang ICC, PULAHAN at DILAWAN..TSUPI!

Lowcut: Belated birthday greetings kay Emelina A. Casi- wifey ng ating bro Guardian Catalino C. Casi. All the best sa ideal couple. Happy Birthday today kay EDITHA GADINGAN (bespren ni Ms. Ems) ng Bgy. Bagong Silang, Caloocan City. Kanino galing? Edi sa’kin!