Advertisers
Kalaboso sa lock up cell ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang 2 rape suspects sa ikasang magkahiwalay na operasyon.
Bitbit ang search warrant, unang tinungo ng mga elemento ng DOS MPS ang area ng Poblacion Dalican, 12.30 ng madaling araw at naaresto ang isa sa mga itinuturong sangkot sa pangagahasa sa isang 12 anyos na dalagita.
Kinilala ang suspek na si Kuyag Abdul Lasam 59 anyos.
Mismong ang mga kaanak ng biktima ang nagsuplong sa suspek.
Samantala arestado rin ang 43 anyos na lalaki nang pagsamantalahan ang 12-anyos nitong anak.
Sinasabing ilang beses ng ginalaw ng suspek ang sarili nitong anak base na rin sa kwento ng biktima .
Kasalukuyang inihahanda na ang mga kaso laban sa mga naaresto.