Advertisers
Hindi matanggap ng isang matadero nang layasan siya ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki kaya minabuti na lamang nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti Lunes ng umaga, Setyembre 20 sa Imus, Cavite.
Minabuting hindi na ibahagi ang personal na impormasyon ng biktima.
Sa report ng Imus Police Station, Lunes na umaga nakatanggap sila ng report ng tungkol sa pagpapakamatay ng biktima.
Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar, nakita nila ang biktima na nakabigti sa loob ng kuwarto nito gamit ang lubid at wala ng buhay.
Dalawang araw bago ang insidente, humingi pa ng payo ang biktima kung ano ang kanyang gagawin dahil sumama sa ibang lalaki ang kanyang asawa at isang linggo na itong hindi umuuwi sa kanilang bahay.
Hanggang tuluyan nitong tinapos ang kanyang buhay.