Advertisers

Advertisers

Pagkamatay ng artist na si Jonson pinaiimbestigahan

0 436

Advertisers

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Gen Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson sa La Union.

Inatasan ni Eleazar si Regional Ditector Police Office 1, BGeaan Emmanuel Peralta na tignan ang lahat ng mga posibleng pangyayari sa pagkamatay ni Jonson lalo na nagpahayag ang pamilya na mabigyan linaw ang tunay na pangyayari sa nasabing insidente.

Sa report, nagtagpuan si Jonso na walang malay sa Floatsan Jetson Resort sa San Juan, La Union. Batay sa kanyang boyfriend na si Julian Ongpin sa mga otoridad na kaso ito ng suicide.



Nasampahan na ng kaukulang kasong may kinalaman sa iligal na droga ang kasintahan ni Bree Jonson na si Julian Ongpin nang magpositibo sa drug test at makuhanan ng cocaine sa kanilang inuupahang kuwarto sa isang resort sa La Union.

Nakakuha si Ongping ng 12.6 grams ng cocaine.



Sinampahan si Ongping ng kaso sa ngunit ipinag- utos ng Provincial Prosecutor Office ang pagpapalaya dito habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Eleazar na hinihintay lamang ang resulta ng autopsy sa mga labi ni Binibining Jonson upang malaman kung may karagdagang kaso na isasampa laban kay Ongping.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">