Advertisers
Umakyat na sa bilang 115 mga pulis ang nasawi sanhi ng coronavirus (Covid19) ang naitala ng Philippine National Police (PNP).
Kinumpirma ni PNP Chief Gen Guillermo Eleazar ang pagkasawi ng isang pulis na 54 yrs old na nakatalaga sa Camp Crame.
Ang nasabing pulis, nagpositibo sa Covid nang sumailalim sa RT-PCR test noong Sept. 17 at na-admit sa Kiangan Quarantine Facility.
Noong Sept. 18, inilipat sa kalapit na ospital ang nasabing pulis nang makaranas ng hirap sa paghingga. Sept. 20 nilagyaan ang nasabing pulis ng tubo at inilipat sa Intensive Care Unit (ICU).
Sept 23, ipinabatid ng pamilya ng nasabing pulis na binawian na ito ng buhay sanhi ng Cardiac Arrhythmia at Pneumonia.
Sa record Diabetic at nakatanggap ng fisrt dose ng Covid-19 vaccine ang nasawi pulis.
Kaugnay nito, umabot na sa kabuan 152,724 o 68.58 percent ng PNP ang fully vaccinated habang 61,375 o 27.56 percent ang naghihintay para sa kanilang second dose vaccine. Samantala 8,593 o 3.86 percent ang hindi pa nababakunahan.
Nasa 144 mga pulis ang naitalang nagpositibo sa Vovid-19 at umabot na sa kabuaan 38,916 kaso habang 2,266 ang aktibong kaso. Nakapagtala naman ng 168 recoveries na umabot na sa kabuan 36,535 ang gumaling.(Mark Obleada)