Advertisers
CAMARINES NORTE – Bagsak sa kulungan ang 34- anyos na lalaki na nahaharap sa kasong panggahasa sa Purok 5, Barangay San Jose, Basud, Camarines Norte, nitong Huwebes.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jess”, 34 anyos, may asawa at residente ng Barangay Pag- asa sa bayan ng Labo na numero sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa nabanggit na bayan.
Ginawa ang pag-aresto kay alyas Jess sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Leo Intia ng RTC- Branch 64 dahil sa kasong two counts of rape at walang nakarekomendang piyansa.
Ayon sa PNP, ilang ulit umanong hinalay ng suspek ang kaniyang stepdaughter na naganap noon pang taong 2020 sa bayan ng Labo.
Nasa kustodiya na ng Basud MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.