Advertisers
Arestado ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard sa pangongotong sa mga aplikante sa isinagawang entrapment operation sa Zamboanga City.
Kinilala ang naaresto na si CG Apprentice Seaman (ASN) Aldasher I Anni, 25 anyos, at nakatalaga sa Coast Guard Station Basih-Balan sa ilalim ng Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) .
Ayon kay Maj Shellamie Chang spokeswoman ng PRO9, 4:37 ng hapon ng magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanjb na elemento ng Zamboanga City Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit 9 sa Krishatel Leisure Inn, Veterans Avenue Ext. Zamboanga City.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng ilang mga aplikante sa pangongotong ng suspek ng P85,000 sa pag-aayos ng mga papeles at pangkong matatangap na miyemnro ng PCG.
Inaresto si Anni nang tanggaping ang P85,000 sa biktima.
Narekkber sa suspek ang P2,000 mark money at 1 bundle ng boodle money na P132,000.
Nasa kustodiya ng Zamboanga City Police Station si Anni habang sumasailaim sa imbestigasyon at inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.(Mark Obleada/Jocelyn Domenden)