Advertisers
Nasawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa pa sa panibagong insidente ng pamamaril sa loob ng Mindanao State University (MSU) sa Brgy. Lomidong, Marawi City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Samanodong Menor Madaag; habang ang mga sugatan naman sina Salic Macatanto Alawi Sarip at Moh’d Salic Ampuan Salic Jr.
Ayon kay Police Lt. Col. Nelson Madiwo, hepe ng Marawi Police, naganap ang pamamaril sa isang kainan sa loob ng MSU.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bigla na lang namaril ang mga salarin gamit ang M-16 rifle at pagkatapos tumakas.
Nakilala naman ang mga salarin na sina Sohaily Arindig Ampuan at Raffy Madale na mga residente rin sa lugar.
Sa ngayon, hindi pa alam ang motibo sa pamamaril.