Advertisers

Advertisers

Madam Inutz may bagong career na bilang recording artist

0 279

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

MASAYA si Daisy Lopez aka Madam Inutz na mabigyan na oportunidad na maging singer/recording artist kahit ‘ika nga niya ay hindi na siya kabataan.

Kaya labis ang pasasalamat ni Madam Inutz sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan siya ng career bilang singer.



Tsika pa nito, hindi nga raw sumagi sa isip niya na magiging recording artist.

Hindi rin batid ng ukay-ukay queen at online sensation na pati ang pagmumura online in general ay ikasisikat niya. Ang hangad lang daw niya ay magtinda ng ukay-ukay online para may pambayad sa upa at panggamot sa  nanay niyang na-stroke at 5 years na nakaratay sa kama.



Pero nang dumating daw ang anghel sa buhay niya na si Wilbert ay hindi na anya niya tinanggihan ang singing opportunity na dala nito.

May ‘K’ naman daw maging recording artist si Madam Inutz dahil sa unique na raspy voice nito. Bagay sa kanya ang mga Novelty, Rap, Hiphop, Rock, lalo na ang mga Tunog Kalye.



Mabilis din niyang natutunan ang melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras kahit pa inabot ng madaling araw sa pag-shoot ng music video.

Sey pa ng Online Sensation, pinag-aralan anya niya muna ang tema ng lyrics na isinulat ni Ryan Soto. Pagkatapos, pinakinggan niya ang melody sa demo nang paulit-ulit hanggang sa makabisado na niya ang dapat gawin.

Ilang araw din umano siyang hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan sa pagsigaw sa online selling para makondisyon ang kanyang boses. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy.

Dagdag pa ni Madam Inutz, naka-relate umano siya sa kanta dahil ang lyrics ay base sa kanyang buhay at pagkatao.

Ang Aegis at si Miley Cyrus umano ang mga singer na nakaimpluwensya sa kanya sa musika.

Naisip daw ng composer na si Ryan Soto na gamitin ang salitang inutil para maging introduction song ni Madam Inutz bilang pakilala sa kanya bilang recording artist.

Inutil daw ang naisip na title ng kanta niya dahil pasok sa pagkatao niya at sa kanyang boses, at higit sa lahat pangmasa. Madaling sayawin,  kantahin at ibigin.

Ang kanta raw ay introduction ng buhay niya bilang isang Madam Inutz, kung sino siya at paano nagsimula.

Nais din daw ng kanyang manager na si Wilbert na maging Brand Ambassador ng mga online sellers si Madam Inutz.

Gusto rin ni Wilbert na maging negosyante si Madam Inutz at turuan ng Entrepreneurship para umusbong ang kanyang online business bukod pa sa gusto niya itong maging recording artist at artista.

Mapakikinggan ang kantang “Inutil” sa Music Streaming Apps & Platforms -Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

Para sa mga inquiries & product endorsement, tumawag lang sa 09175INUTIL / 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM