Advertisers

Advertisers

Bong Go, handang makatrabaho kahit sino

0 237

Advertisers

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na nakahanda siyang makatrabaho ang kahit sinong Pangulo kapag nahalal siyang Pangalawang Pangulo ng bansa sa May 2022 elections.

Idiniin ni Go na ang prayoridad at pinakamahalaga para sa kanya ay maipagpatuloy at mapalawak pa ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon para masustina ang postibong pagbabago na nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“I can work with anyone. Mula noon hanggang ngayon, walang pili naman po ang pagseserbisyo ko sa tao. Rerespetuhin ko kung sino ang ihahalal ng taumbayan sa pagkapangulo,” sabi ni Go.



Nangako si Go na magiging isa siyang “working vice president” kung ihahalal siya ng sambayang Filipino, sa pagsasabing hindi siya magsisilbing “spare tire” lamang, bagkus ay isang tunay na public servant para sa mga ordinaryong mamamayan.

“At kung mabibigyan naman ako ng pagkakataon ng mga kababayan natin, I will be a working Vice President na gagawin ang lahat para makapagsilbi sa mga Pilipino hindi lang sa salita, kundi sa gawa. Hindi ako magiging spare tire o reserba lamang,” ayon sa senador.



Naghain si Go ng Certificate of Candidacy sa Pasay City noong October 2, kasama si Pangulong Duterte. Sinabi niya na ang desisyong tumakbo sa pagka-bise presidente ay itinulak ng pagnanais na ipagpatuloy ang legasiya ng Duterte administration.

“Bilang opisyal at kandidato naman ng PDP-Laban, kaisa ako ng aking mga kapartido sa aming hangaring maipagpatuloy ang mga magagandang programa at makabuluhang pagbabago na nasimulan ni Pangulong Duterte,” ani Go.



Ayon sa senador, suportado niya at ng partido ang sinomang presidential candidate na isusulong ang “continuity” na siyang ninanais ng taongbayan.

Nagpahayag ng pasasalamat si Go sa sambayanang Filipino sa patuloy na pagsuporta sa kanya at sa Duterte administration.

“Sa mga minamahal kong kababayan, maraming salamat po sa patuloy na paniniwala at suporta ninyo sa amin ni Pangulo at sa buong administrasyong Duterte.”

“Patuloy nating iparamdan sa bawat sulok ng bansa ang mga magagandang programa at pagbabagong inumpisahan at ginagawa ng administrasyong ito,” aniya.