Advertisers

Advertisers

Tsekwa ‘di pinasahod inabandona sa Cavite

0 209

Advertisers

Ibinaba na lamang ang isang Chinese national nang magreklamong hindi pinapasuweldo ng pinapasukang call center sa Ternate, Cavite, Lunes ng umaga kung saan ito nakitang pagala-gala.

Kinilala ang Chinese national na si Wu Weihong, 31-anyos at isang call center agent.

Sa ulat ni Senior Master Sergeant Noel Villanueva ng Ternate Police, 9:00 ng umaga nang i-turnover sa pulisya ang biktima nang matagpuan habang pagala-gala sa bisinidad ng Kaybiang Tunnel sa Barangay Sabang 1 sa nasabing bayan.



Nalaman na madaling-araw ng Lunes nang ibaba ng isang kulay gray na sasakyan na minamaneho ng isang Pinoy ang biktima sa nasabing lugar.

Sa ulat, isinakay si Weihong, una sa isang puting van na may kasamang ibang dayuhan pero inilipat sa kulay gray na sasakyan na Pinoy ang nagmamaneho at doon siya ibinaba sa lugar.

Hindi marunong magsalita ng English ang dayuhan at nagkatindinihan na lamang sila ng mga awtoridad sa kanyang sinasabi sa pamagitan ng Goggle translator.

Ayon kay Weihong, nagrereklamo siya sa kanyang pinapasukang kompanya bilang isang call center agent dahil hindi sila pinapasuweldo. Ito ang tinitingnang dahilan ng mga awtoridad kung bakit siya iniwan sa lugar.

Hindi naman nabanggit kung anong kompanya ang kanyang inirereklamo bagama’t dating nagtrabaho sa POGO subali’t nag-resign na umano siya doon.



Nasa kustodiya ng Ternate Police si Weihong at nakatakdang dalhin sa China embassy.