Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad na NPA at may kasong double murder, timbog

0 266

Advertisers

Arestado ang kagawad ng isang barangay na isa ring miyembro ng NPA sa isinagawang manhunt operation ng RID-RSOU5 katuwang ang 1st PMFC Masbate PPO, PIU Masbate PPO at Cawayan MPS sa Cawayan, Masbate.

Kinilala ang akusado na si Bobby Jumao-As alyas ‘Ka Totong,’ 45-anyos at incumbent Brgy. Kagawad ng Brgy. Tubog, Cawayan, Masbate.

Inaresto si Jumao-As sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong double Murder at walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.



Maliban pa rito nahaharap rin si Jumao-As sa mga kasong Attempted Murder, Frustrated Murder na may piyansang P120,000 bawat isa.

Sinampahan rin si Jumao-As ng kasong paglabag sa “Anti-Terrorism Act of 2020.”