Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Gawin mo silang tagapangasiwa…” (si Jethro, habang tinuturan niya ang kaniyang manugang na si Moses, sa Exodo 18:21, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
THREE-PRONGRED ECONOMIC PROGRAM PARA SUMULONG ANG EKONOMIYA NG BANSA, ISINUSULONG: Kung nais ng Pilipinas na maibangon ng maayos ang kaniyang ekonomiya at mapabuti ang buhay ng sambayan maging sa harap ng patuloy na pananalasa ng COVID 19 pandemic, kailangang isulong ng mga pinuno ng gobyerno ang isang programang pang-ekonomiya na may tatlong sangkap.
Ayon kay socio-civic leader Manny S.D. Lopez ng Tarlac sa kaniyang Facebook page, kailangan ang programang ito na may tatlong sangkap upang makapagtayo ng mas maraming trabaho sa mga manggagawa at mapabuti ang negosyo sa iba’t ibang dako. Itinatampok ng programang ito ang malawakang istratehiya upang labanan ang kawalan ng trabaho, pagka-gutom, at kahirapan.
Ang unang bahagi nito ay ang pagsasabatas ng bagong mga alituntunin na tinatawag na New Omnibus Investment Code. Layunin ng bagong batas na ito sa pamumuhunan upang maitaguyod ang Pilipinas bilang isang kapaki-pakinabang na lugar na pagdadalhan ng mga negosyante, sa Pilipinas man o sa ibang mga bansa sa mundo, ng kanilang negosyo, o pamumuhunan.
Kailangang ding maitatag ang bansa sa kaniyang katayuan bilang isang bayan kung saan mayroong mga paggawa ng mga batayang pangangailangan ng mga tao, o ng iba pang mga kailangang gamit sa buhay ng marami di na lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asia-Pacific.
-ooo-
PAGSASABATAS NG BAGONG MGA REGLAMENTO SA PAMUMUHUNAN, DAPAT GAWIN NG PILIPINAS AGAD: Samantala, sa ikawalang panukala ni Manny SD Lopez na isinusulong ng Labor Party Philippines bilang kaniyang vice presidential candidate, nais niyang baguhin na ang umiiral na batas sa mga negosyo o hanapbuhay na nangalugi dahil sa pandemya, at sa marami pang ibang kalamidad.
Layon ng bagong Bankruptcy Law na pahintulutan ang mga negosyo o kompanya na nangalugi na isulong ang re-organisasyon sa kanilang mga hanay, at alisin sa kanila ang mabibigat na kondisyon sa kasalukuyang umiiral na batas sa pagkalugi ng mga negosyo.
Kailangang pag-aralan sa bagay na ito ang mga batas sa pagkalugi ng mga negosyo sa Estados Unidos, dahil mas magaan ang mga probisyon ng mga batas na ito sa America sa kanilang pagtrato sa mga nalulugi sa negosyo.
Pangatlo, ayon pa din sa panukalang three-pronged economic program ni Manny S.D. Lopez, kailangang pahintulutan ng gobyerno ang mga tinatawag na low interest loans para sa mga maliliit o katam-tamang laking mga negosyo, o yung mga Micro Small And Medium Enterprises (MSMEs), kasama na din yung mga magsasaka at mga mangingisda, pati na sa consumer sectors.
-ooo-
MALAWAKANG PAGPAPA-UTANG SA MGA MAGSASAKA, MANGINGISDA, AT IBA PANG MSMEs, KAILANGANG GAWIN NG GOBYERNO: Maaaring gamitin dito, ani Lopez, ang kasalukuyang umiiral na banking system, bagamat kailangang subaybayan ng lubos ng pamahalaan ang pagbibigay ng mga kaukulang garantiya upang maluwag na makabayad ang mga hihiram ng pondo.
Sa pamamagitan ng mga low interest loans na ito, makakatulong ang gobyerno sa pagbubukas o muling pagpapatuloy ng mga negosyong nagsara dahil sa pandemya.
Si Manny SD Lopez ay isang dalubhasa sa ekonomiya na nagsanay sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City, at maging sa University of California Los Angeles sa Estados Unidos. Siya ang kasalukuyang secretary general ng Labor Party Philippines, ang natatanging political party para sa mga manggagawa, magsasaka, at mga mangingisda at iba pang marginalized sectors.
Kilala si Manny sa mga adbokasiya para sa pagtulong sa mga mahihirap at maliliit sa lipunang Pilipino. Maari siyang makontak sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account, Manny SD Lopez, at sa kaniyang website, www.mannysdlopez.com.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.