Advertisers
TINIYAK ni Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno na hindi makikisali sa pulitika ang kanyang asawa at mga anak at mananatili itong low profile sakaling mahalal siyang Pangulo ng bansa.
Sa isang panayam kay Moreno, sinabi niya na sa loob ng 23 taon bilang public servant, hindi nakialam o sumawsaw kahit minsan ang kanyang pamilya sa kanyang trabaho.
Habang gagampanan ng kanyang maybahay ang katungkulan bilang First Lady sakaling manalong Presidente, sinabi ni Moreno na hindi makikisali o makikisawsaw sa pamamahala ang kanyang maybahay, tulad noong panahong naglilingkod siya bilang konsehal ng first district at vice mayor sa parehong tatlong termino at ngayon ay bilang alkalde ng Maynila sa kanyang unang termino.
“I’m really proud of my children and wife because for the past 23 years, hindi talaga sila sumali sa gobyerno. That is also my policy. That nobody from them can interfere in government,” sabi ni Moreno.
Ang alkalde bilang standard bearer ng Aksyon Demokratiko party ay nagsabi na ang kanyang maybahay ay nais lamang na manatili sa likuran at ayaw na ayaw makakaladkad ang kanyang pangalan sa pulitika.
“Tignan niyo, di niyo nga alam kung me asawa ako…minsan napagkakamalan pa akong binata. Twenty years na po akong kasal at lima ang anak but I do not allow any of them to participate in government,” pahayag pa ni Moreno.
“My wife may function as First Lady but she will not have any role in government activities or policies. Napaka-simple niya. She goes to the mall, do the grocery na naka-maong at t-shirt. Simpleng-simple,” ayon pa kay Moreno.
Ayon pa kay Moreno, kailangan niya ang lahat ng tulong dahil wala siyang kaanak o miyembro ng pamilya na nasa pulitika.
Hindi katulad nang iba na may mga magulang at asawa na mayroong mataas na posisyon sa gobyerno o ipinanganak na mayroon ng angkan na nasa pulitika, sinabi ni Moreno na sa simula pa lamang ay mag-isa na siya at nakatakdang manatili iyon kahit pa mahalal siyang Pangulo ng bansa.
“Mahirap ang sitwasyon ko kasi ulilang lubos ako. Walang magulang, asawa o pamilyang nasa pulitika kaya kailangan ko talaga ang tulong at dasal ng lahat,” dagdag pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)