Advertisers

Advertisers

Bong Go: Utang na loob sa HCWs, tapatan ng mga benepisyo

0 271

Advertisers

NANGAKO si Senator Christopher “Bong” Go na patuloy niyang isusulong ang pagpapasa ng panukalang magbibigay ng allowances at benepisyo sa healthcare workers (HCWs) sa harap ng public health emergency dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa ambush interview sa distribusyon ng ayuda sa iba’t ibang sektor at turnover ng tseke sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, Davao del Norte, sinabi ni Go na ang lahat ng HCWs ay pantay-pantay na dapat makatanggap ng allowances sa pagsasabing pare-pareho silang nae-exposed sa virus.

Ito ng dahilan kaya inihain ni Go ang Senate Bill No. 2398 na layong pagkalooban ng mga benepisyo at allowance ang lahat ng healthcare workers na nakatalaga sa mga health-related work sa health facilities.



“Dapat po ay walang sinasabing distinction between itong exposed at hindi exposed. Dahil ‘pag pumasok ka sa hospital, eh hindi mo nakikita si COVID, expose ka na talaga,” ani Go.

“Kaya dapat i-fix natin ito. Basta nakapag-duty ka sa hospital – ma-doctor, ma-nurse, ma-janitor o ma-utility men diyan na naglilinis po, ‘pag nasa hospital, ‘pag nagkasalubong po kayo, exposed ka na po. So, dapat wala na pong pili, walang pili po dapat,” dagdag niya.



Naniniwala si Go na may malaking utang na loob ang gobyerno sa lahat ng HCWs kaya nararapat lang na bigyan sila ng karagdagang benepisyo.

“Ibigay natin ‘yung incentives at allowances na dapat, nararapat sa ating mga health care workers. Mahirap po maging healthcare worker ngayon, mahirap po maging frontliner sa panahon ngayon.”



“Hindi po basta-basta ang trabaho nila. Napakaliit lang po na halaga ito para sa kanilang serbisyo sa ating mga kababayan. Sila po ang isinabak natin sa giyerang ito. So huwag ho natin silang pabayaan,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go na ipaglalaban niya ang mga frontliners sa kahit anong paraan bilang Senate Committee Chair on Health.

“What is due sa inyo dapat po ibigay po para sa inyong lahat,” sabi ni Go sa HCWs.

Sinaksihan ni Go ang turnover ng financial assistance sa Davao Regional Medical Center para sa pagbili ng One Lot High Pressure Oxygen Booster Equipment na nagkakahalagang P25,000,000.

Sa tulong nito ay maisasaayos ang existing oxygen refilling machine ng nasabing ospital para sa sarili nitong supply at hindi na aasa sa 3rd parties.