Advertisers

Advertisers

Wala na ang ‘Duterte fist’

0 286

Advertisers

HABANG papalapit ang Halalan ‘22, unti-unti nang pumuposisyon ang mga trapo (traditional politicians), na ayaw maalis sa puwesto para tuloy ang pangugulimbat sa kaban ng bayan, sa mga umaangat sa survey na presidentiables.

Ang mga dating abot-tenga ang ngiti habang naka-‘Duterte fist’ ay nag-God first na, ang tatak ni Manila Mayor Isko Moreno; may naghubad na ng pula at nag-Pink na, (ang political color ni Vice President Leni Robredo); may mga nag-BBM (initial ni Bongbong Marcos) narin.

Expected narin naman ang pag-iwan ng mga trapo kay graduating President Rody Duterte na walong buwan nalang sa kanyang termino na magtatapos sa Hunyo 30, 2022.



Pero posibleng bumalikwas pabalik sa ‘Duterte fist’ ang mga trapo na ito na maagang nag-about face kay Digong kapag biglang nag-substitute bago November 15 ang anak ng pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang dating nangunguna sa Presidential survey.

Si Sara ay nag-file ng reelection pero puwede pa mag-substitute kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na naghain ng kandidatura sa pagka-pangulo na obviously ay para kay Sara sakaling magbago ang isip ng huli bago matapos ang deadline ng substitution. Kaabang-abang ito.

***

Sa ongoing online presidential survey ng kilalang pahayagan, Manila Bulletin, na inilabas 8:48 ng gabi nitong Sabado, nangunguna si ex-Senator Bongbong Marcos (BBM) na nakakuha ng 505,370, malayo sa sumusunod na si Vice President Leni Robredo (168,215) na malayo naman sa nakabuntot na si Manila Mayor Isko Moreno (17,988), na milya naman ang agwat sa mga humahabol na sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson.

Naiwanan pa ni Bato sina Pacquiao at Lacson na last minute nag-file ng CoC sa pagka-pangulo. Malamang ang boto ni Bato ay para kay Sara.



Sabi ng netizens, baka mas marami lang ang trolls ni Marcos laban sa mga kalaban kaya malaki ang boto nito sa survey. Hehehe…

Ngunit ‘pag sinubukan nyong magsagawa ng sariling suvey sa inyong Facebook account, makikita mo na karamihan sa iyong mga kaibigan ay gusto BBM kung hindi man Leni.

Sabi nga ng netizen na si Myrna Medina Ang, sa kanila sa General Trias, Cavite, kahit sa palengke, istambayan, parkingan, BBM ang usapan.

Well, pitong buwan pa ang halalan. Mahaba-haba pa ito. Marami pang mag-iisip, mababago ang damdamin para sa gustong ihalal na pangulo sa Mayo 9, 2022.

Pero ang basa ko rito, sa takbo ng mga survey ngayon sa presidentiables, sina Bongbong at Leni lang ang magkakabakbakan sa finals tulad ng nangyari sa kanila noong 2016, kungsaan higit 200,000 lang ang lamang ni Leni kay BBM sa vice presidential race. Nag-rematch pa sila sa Comelec recount, panalo parin si Leni.

Maaalala na bago noon sumabak sa pagka-bise si Rob-redo ay napalababa ng rating niya sa survey, habang si Marcos ay nasa 70 percent na. Pero habang papalapit ang halalan ay tumataas si Robredo hanggang sa malagpasan nga niya si Marcos sa araw ng eleksyon.

Posible mangyari uli ito ngayon. History repeats itself. Mismo! Kaya ‘wag bibitiw…