Advertisers

Advertisers

144th MALASAKIT CENTER SA MARINDUQUE DINAYO NI GO

0 487

Advertisers

Sa pagpapasinaya ng Malasakit Center sa Marindoque Province bilang ika-144 na center sa ating bansa na itinayo sa Provincial Hospital ng kapitolyong bayan sa Boac ay dinayo ni Senator Christopher “Bong” Go ang naturang okasyon kasama ang kaniyang koponan nitong October 19 at namahagi ng ayuda sa mga health worker.

Ang center ang pinaka-una sa nasabing probinsiya at bahagi ito ng pinalawak na pagsusumigasig ng Duterte Administration para maibigay ang health services sa publiko gayundin ang mailapit ang medical assistance sa mga tao na nasa mga malalayong lugar.

“Ipinangako ko ito sa inyo nung huli akong pumunta dito. Sabi natin kung qualified naman ay maglalagay tayo ng Malasakit Center dito sa Marinduque upang makatulong sa mga kababayan natin para ‘di na nila kailangan pumunta ng ibang isla para humingi ng tulong,” saad ni Go patungkol sa pangako niyang naisakatuparan.



Ang Marinduque ay island province na nasa southern part ng Luzon. Ito ay nakahiwalay sa mainland Luzon ng Tayabas Bay at ang mga residente rito ay kinakailangang magbangka para makarating sa mainland.

“Para hindi kayo mahirapan, nandito na ang mga ahensya sa inyong ospital. Ginawa natin ito upang maging mas mabilis ang paghahatid ng serbisyo. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, kailangan ang gobyerno ang lumapit sa ating mga kababayan,” dagdag nito.



Noong 2019 ay pangunahing inakdaan at inisponsoran ni Go ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11468 o ang Malasakit Center Act.

Ang malasakit Center ay isang one-stop shop na maghahatid sa mga ahensiyang magkakaloob ng medical assistance na kinabibilangan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.



Kahalintulad na centers din sa MIMAROPA Region ang binuksan sa Occidental Mindoro Provincial Hospital ng Mamburao; Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City; Ospital ng Palawan sa Puerto Princesa City; at Romblon Provincial Hospital sa Odiongan.

“Zero balance ang target nito para wala na kayong babayaran. Kung kulang ang tulong ng mga ahensya, mayroong inilaan din na dagdag pondo si Pangulong (Rodrigo) Duterte. Pakiusap nalang namin sa mga doktor at social worker, ‘wag niyong pabayaan ang ating mga mahihirap na kababayan, ‘yung helpless, hopeless at walang matakbuhan,” apela ni Go.

Pinasalamatan ni Go ang mga frontline health workers sa kanilang sakripisyo at didikasyon para maipagpatuloy ang serbisyong pangangalaga sa mga pasyente.

Naihayag din nito ang pagnanais niyang maipasa ang Senate Bill No. 2421 na magbibigay para sa COVID-19 Risk Allowance alinsunod sa special risk allowance at iba pang financial compensation na iginagarantiya sa ilalim ng Bayanihan 2.

“Hindi nababayaran ng kahit ano man ‘yung sakripisyo ninyo sa panahon ngayon. Kaya ipaglalaban ko ang inyong kapakanan. Iyung sinasabi nilang exposed lang ‘yung bibigyan ng risk allowance, napaka-unfair nun! Hindi kami papayag ng ganoon dahil hindi naman natin nakikita ‘yung COVID. Pagpasok mo palang sa ospital, dapat considered exposed kana,” pagpapaliwanag ni Go.

Sa patuloy na pandemyang kinakaharap ng bansa ay pinuri ni Go ang pagsusumigasig ng gobyerno sa pagsusulong ng vaccination drive na 54.8 million doses ng vaccines, kabilang na ang 28.3 million first doses at 24.5 million second o single doses ang naisagawa na.

“Paalala ko sa ating mga kababayan, kung gusto niyo tulungan ang mga health workers, kung gusto niyo bumaba ang mga kaso at hindi mapuno ‘yung ospital, magpabakuna na kayo. Wala namang ibang paraan para makamtan natin ang population protection at herd immunity sa ngayon,” saad ni Go.

“Napatunayan natin ngayon sa Metro Manila, dahil 77% (of eligible adults) na ang fully vaccinated, na bumababa ‘yung mga kaso. Kung mababa ang kaso, mabubuksan natin muli ang ekonomiya. ‘Pag bukas ‘yung ekonomiya, makakabalik kayo sa trabaho at may laman ang tiyan niyo. Alam niyo, hindi lang COVID ang kalaban natin ngayon, kagutuman din po,” babala nito.

Kasunod ng seremonya, ang koponan ni Go ay namigay ng pagkain, food packs, vitamins, masks, at face shields sa 303 health workers at 50 patients. Mga piling health workers ang nabigyan ng shoes at bicycles para sa kanilang pang-araw-araw na pagbibiyahe. Nabigyan din ang mga ito ng computer tablets para magamit ng kanilang mga anak na nagsisipag-aral.

Ang mga DSWD personnel ay namigay naman ng financial assistance sa mga pasyente at 190 rank-and-file employees ng ospital.

Sa panayam, ang family members ng ilang mga batang pasyente sa ospital ay nagpahayag nang kanilang pasasalamat sa bagong Malasakit Center at umapela ng katulungan pa mula kay Go para sa pagpapagamot ng kanilang.mga mahal sa buhay.

“Nanay ako ni Clara Maiella Abetria, two years old, may congenital (problem)… Everytime na oospital si Clara, lumalaki ang bill namin. ‘Yung two months namin sa (Philippine General Hospital), halos umabot ng 400 to 500 thousand ang bill. ‘Yung oxygen niya, inaabot 8,000 din per month,” pahayag ni Richelle Abetria.

“Hihingi po sana kami ng tulong kay Senator Bong Go na matulungan kami sa gastusin sa hospital… Sana matulungan din kami maluwas ang aking anak sa Manila para mapalitan ang tracheostomy tube nila. Wala po kasi magpapalit dito ng ganun kasi maselan ang operasyon at kulang ang espesyalista para sa ganun,” dagdag ni Diovani Abertria matapos umapela ng tulong kay Go.

Sa kabila ng paghahain sa kandidatura bilang vice president sa nalalapit na national election ay pinamalagi ni Gonang kaniyang focus na magampanan ang kaniyang mandato bilang Senator at matiyak na walang Filipino ang mapag-iiwanan sa pagbangon mula sa dinadanas na health crisis.

“Huwag muna natin pag-usapan ang pulitika ngayon. Unahin muna natin malampasan ang pandemyang ito. ‘Yun ang hinihintay ng mga Pilipino. Magtulungan, magmalasakit at magbayanihan tayo at hindi nalalayo na baka bumalik na tayo sa normal natin na pamumuhay,” panghihikayat ni Go.

Si Go at ang kaniyang koponan ay tumuloy sa Marinduque State University campus, Boac at namahagi ng katulungan sa 557 residenteng naapektuhan ng kalamidad kamakailan.

“Ako naman, gaya ng ipinangako ko sa inyo noon ay pupuntahan ko kahit saan sulok kayo ng Pilipinas para magbigay ng tulong sa inyo, makapagbigay ng solusyon sa inyong mga problema at makapag-iwan ng kaunting ngiti sa panahon ng pagdadalamhati,” pagtatapos nito.

Ang mga nakasama ni Go sa nasabing okasyon ay sina Speaker of the House Lord Velasco, Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino, Governor Presbitero Velasco Jr., at iba pang national and local government leaders kabilang na ang Chief of Hospital na si Dr. Manuel Zaratan.