Advertisers

Advertisers

Kumita ang ilang opisyal ng BOC sa mga supercar nina ‘Ricochard’, ‘Muudy’ at ‘Jeysoon’

0 548

Advertisers

NABALITA sa midya ang ilang magagara at mamahaling sasakyan na nakumpiska sa isang bodega sa Quezon City mahigit isang linggo na ang lumipas.

Natuklasan ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang yunit ng mga magagara at mamahaling sasakayan, kasama ang napakaraming barya na pawang nasilid sa mga sako.

Hinala ng mga operatiba ng BOC at NBI, jueteng lord ang may-ari ng mga baryang umabot sa P50 milyon ang halaga at mga sasakyan na milyun-milyon din ang halaga.



Ayon sa kanila, aalamin at sisiyasatin nilang mabuti kung sino ang totoong may-ari ng mga barya at sasakyan.

Mag-iimbestiga sila kung totoong jueteng lord ang mga may-ari ng mga barya art sasakyan o hindi.



Nobyembre na ngayon, ngunit wala pa ring resulta ang imbestigasyon ng BOC at NBI.

Pokaragat na ‘yan!



Hindi naman ipinanganak kahapon ang mga imbestigador ng BOC at NBI upang hindi nila malaman na iligal ang jueteng dahil alam na alam nila na labag ito sa batas.

Sa dalawang ahensiya, higit na kabisado ng mga kawani ng NBI kumpara sa mga tauhan ng BOC ang jueteng dahil mayroong mga jueteng lord na nakatimbre sa ilang korap na opisyal ng NBI.

Pokaragat na ‘yan!

Maliban sa ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) at ilan ding opisyal ng mga pamahalaang lokal, kumikita rin ang ilang korap na opisyal ng NBI mula sa iligal na sugal tulad ng huweteng.

Sa isyu naman ng mga magagara at mamahaling sasakyan o “supercar” kung tawagin ng ilan ay BOC naman ang nakikinabang dito.

Subalit, hindi naman lahat, kundi iilang masisiba lang sa pera.

Ayon sa matagal nang impormasyon o kuwento sa mga masugid na sumusubaybay o nagbabantay tungkol sa korapsyon at pandarambong sa BOC, malakihan ang “tara” o padulas sa supercar.

Naipapasok ang mga supercar sa Pilipinas na tatlo hanggang limang taon ang modelo at nailalarga sa merkado kung ‘napakaganda’ ng tara kaysa sa binabayarang taripa sa importasyon ng mga sasakyan.

Hindi nakapagtatakang masyadong malaki ang tara ng mga dealer ng mga supercar sa ilang korap na opisyal ng BOC dahil iyon ngang sibuyas at sigarilyo ay mayroong tara – magagara at mamahalang sasakyan pa kaya?!

Ayon sa balitang nabasa ko, halos 80 supercar ang nakapasok daw ngayon sa bansa.

Sobrang dami naman!

Ayon naman sa mapagkakatiwalaang impormante, sigurado siyang mayroong katarantaduhan sa supercar na mga naipasok sa bansang ating minamahal.

Ang katarantaduhang binabanggit ng impormante ay ang pagiging palyado ng mga papel ng mga supercar na pinalusot ng mga tulisan sa BOC kapalit ang napakalaking tara o suhol.

Pokaragat na ‘yan!

Ang matino lang sa mga supercar ay iyong nanggaling sa mga casa.

Ang mga taong nakapagpalusot ng maraming supercar mula sa BOC ay kinilala ng impormante sa kani-kanilang alyas na ‘Ricochard’, ‘Muudy’ at ‘Jeysoon’.

Sina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon ay ginagamit ang mga pangalan ng ilang mayayaman sa Pilipinas, kabilang na umano ang negosyanteng si De nnis Uy.

Si Uy ay isa sa mga bilyonaryong Filipino.

Si Uy ang pangunahing may-ari ng DITO Telecommunity.

Ilang ulit ko nang nabasa sa mga balita sa midya na napakalakas ni Uy kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakalaki raw ng inambag nito ng pera noong nangangampanya pa sa pagkapangulo si Duterte noong 2016.

Hindi ito kinumpirma ni Uy.

Maliban kay Uy, ang dalawang mayayamang ‘sinasandalan’ nina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon at tatlong maimpluwensiyang tao sa Pilipinas.

Pokaragat na ‘yan!

Kung ginagamit at nakakapit sina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon, malabong matultukan ang panloloko sa pamahalaan at pambabaluktot sa batas ng mga ito.