Advertisers

Advertisers

Sino kina Gens. Ferro at Danao ang susunod na chief PNP?

0 339

Advertisers

MARAMI ang naghihintay sa gagawing pronouncement ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hahaliling hepe ng pambansang kapulisan (PNP) sa nakatakdang pagreretiro ni Chief PNP, General Guillermo Eleazar sa pagsapit ng ika- 56 na kaarawan nito sa darating na Nobyembre 13, 2021.

Crucial ayon sa mga taong malapit kay Tatay Digong ang gagawing pagpili nito sa susunod ng PNP chief dahil na rin sa magiging malaking responsibilidad na naghihintay dito lalo na ngayong pandemya, halalan at ang nakatakdang transition ng rehimeng Duterte sa sino mang papalaring mahalal na bagong Pangulo ng bansa.

Tatlo lamang sa mahahalagang bagay na seryosong kakaharapin nang sino mang hihiranging bagong hepe ng PNP ng Pangulong Duterte.



Kung hindi tayo nagkakamali, umaabot sa bilang na lima (5) ang mga opisyales na pinamimilian ni Tatay Digong para pumalit sa mabunying si Gen. Eleazar ngunit sa ganang atin, inilimit na lamang po natin ang listahan sa dalawang opisyal na para sa inyong lingkod ay mahigpit na nag-aagawan sa coveted top post ng PNP.

Dalawang former officers na binansagang Davao boys or Duterte’s loyal and trusted men!
Sila po ay sina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Gen.Alfred Ignatius Ferro at National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Gen. Vicente “Vic” Danao Jr.
Parehong produkto ng prestigious Philippine Military Academy (PMA) sina Ferro at Danao.



Nabibilang sa PMA MAKATAO Class of 1989 si Ferro samantalang sa PMA Sambisig Class of 1991 naman si Danao.

Kapwa nagkaroon ng stint sa Davao City bilang mga young and dynamic officers ng pambansang kapulisan noong panahon ng Pangulong Duterte as mayor ng nasabing lungsod.



Ang dalawang mamang opisyal ay parehong naka-trabaho ni Tatay Digong at ng pamilya Duterte.
Pareho naging kaagapay ng Pangulong Digong para sa pagmimintine ng kaayusan at katahimikan ng siyudad ng Davao.

Kapwa matapang at masigasig sa pagtupag ng kanilang mga sinumpaang tungkulin.

Kapwa nag-iiwan ng hindi matatawarang legasiya sa liderato nang noon ay Mayor Rodrigo Roa Duterte at sa mamamayan ng nasabing lungsod.

From Davao, nagpatuloy ng kanilang kanya-kanyang landasin bilang responsible police officers sina Ferro at Danao.

Hanggang sa muling magkasama sa Manila sa ilalim ng Presidency ng kanilang dating Boss at ngayon nga ay kanilang Commander-In-Chief na si Pangulong Duterte.

Ferro at Danao, kapwa karapat-dapat na maluklok sa pinakamataas na posisiyon sa institusyon ng marangal na pagpupulis.

Their fate lies in the hands of no less than our President, Tatay Digong.

Kung sino man sa dalawang ito ang mapili ng Pangulo, naniniwala tayong, ligtas at nasa mabuting kamay ang mga mamamayan at bansa sa kanilang pamumuno.

May the best man wins!

Good luck and more power to both of you!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.