Advertisers
“UMATRAS ka na.”
Ito ang naging pahayag ni Narvacan Mayor Chavit Singson sa kanyang matalik na kaibigan na si Senador Manny Pacquiao na kakandidatong pangulo ng bansa sa 2022 elections.
Sinabi ni Singson na hindi kwalipikado si Pacquiao na maging pangulo ng bansa.
Ayon kay Singson, kailangan edukado ang isang kandidato. Kung hindi naman, dapat malawak ang karanasan sa pulitika. Sa katauhan ni Pacquiao, sinabi ni Singson na wala ang senador.
Naniniwala si Singson na wala sa bituin ni Pacquiao ang maging pangulo ng bansa.
Pinaiikot lang aniya ng mga handler si Pacquiao at pinaniniwalang malaki ang tsansa na manalo sa Pacquiao.
Nanghihinayang si Singson na maubos lamang ang pera ni Pacquiao sa pangangampanya.
***
Samantala inanunsiyo din ni Singson na susuportahan niya ang tambalan nina dating Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sinabi nito na ang suporta niya kina Marcos at Duterte ay dahil sa kuwalipikasyon at kakayahan ng mga ito na pamunuan ang bansa.
Sinabi na rin ni Singson na ang suporta niya kay Marcos ay dahil kapwa sila Ilocano.
Dagdag pa nito, magaganda ang mga nasimulang programa ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos at tiwala siya na maipapagpatuloy ito ng nakakabatang Marcos.
Naibahagi din nito, na una niyang inakala na tatakbo sa pagka-pangulo ang babaeng anak ni Pangulong Duterte.
Naging pinal na lamang aniya ang kanyang plano nang tumakbo naman sa pagka-pangulo si Sen. Christopher Go.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!