Advertisers
AYAN, nagkakagulo na sila, ayan, nagbabatikusan na sila, ayan, nagbabaliktaran na sila.
Pero ang Team Isko, focus lang sa trabaho; kung sa shooter, kalmado ang pagsilip sa target at kalmado ang hininga at pulso, alam na alam, ang bullseye ay masesentro sa Mayo 2022.
Teka, sabi ni ‘Marites’ (ano mare ang latest chismis?), may isa raw presidentiable na adik sa drogang cocaine.
O, hindi kami ang nag-‘Marites’ niyan, mismong si Tatay Digong na sabi niya: ‘yung kandidato na nagko-cocaine ay anak mayaman.
Lihis yan kay Yorme Isko Moreno, kasi, siya ay anak ng labandera, anak ng kargador sa pier.
Eto pa, sabi ni PRRD,” Ano’ng nagawa ng tao na ‘yan? Bakit ang Pilipino parang lokong-loko na supporting (that person?)”
Hindi raw siya nang-iintriga, sabi pa niya: “Magtanong kayo sa Davao kung may kilala kayo. Ang mga taga-Maynila, ‘yung taga-Maynila, ‘yung mga mayayaman talaga.”
May idea na kayo kung sino ‘yung sabi niya ay ‘weak leader, ang character, except for the name, ang tatay … pero siya ano ang ginawa niya?”
At ito raw na nagko-cocaine ay posibleng manalo?
Guess mo na, … ako e kilala ko na siya, at kung ako ay pipilitin, i-messenger ko at aking sasabihin, hehehe.
***
Basta ako, bilib ako kay Sir Lito Banayo, political strategist at campaign chief ng Aksyon Demokratiko, sa sinabi niya na wala siya at si Yorme Isko na pakialam sa mga intriga, mga ek-ek na subsitutition o gimik-gimik na paiyak-iyak at paiba-iba ng kulay.
Lalong hindi mahilig sa ‘Marites’ ang katiket na bise-presidente ni future President Yorme Isko na si Doc Willie Ong.
Sabi nga ni Doc Willie, magagarantiya niya, da best of the best si Yorme na magbibigay ng mahusay, mabilis na aksyong kilos para mapangunahan ang bayang Pilipino sa susunod na anim na taon.
Kaya sila raw ay focus lang sa tao, focus lang sa paglaban sa pandemya, sabi ni Doc Ong.
Kung nagkakagulo ang mga kalaban sa politika, ang inaasikaso ni Sir Lito ay ‘yung mga isyu na kailangang maliwanag na maipresenta sa taumbayan.
Sabi nga ni Yorme, e ano ang pakialam niya, e hindi naman siya kapamilya ng mga nag-aaway at nagkakagulong mga kandidato at tagasuporta tungkol sa substitution, tax evasion, disqualification at ‘yung tsismis na kandidatong nagko-cocaine.
“Basta kami focus lang sa ginagawa namin,… hinahanapan namin ng mabilis na aksyon ang mga problema ng mga tao,” sabi ni Sir Lito.
Kaya mas inuuna nila ay mag-ikot sa mga lalawigan; makipagpulong sa mga magbubukid, sa mga manggagawa, mangingisda, laborer, mga nanay, mga tatay, mga ulila, matatanda; agad silang nag-aabot ng tulong sa maysakit; agad na inaasikaso ang mabilis na pagbabakuna para mas maraming buhay ang maligtas sa pandemya.
Tama, e ano kung sila-sila ang magsiraan at magbanatan, e okay lang.
Bilis-kilos lang lagi ang Team Isko para mas maparami ang mga kaalyado, mas mabigkis ang mga kapartido, mas malakas ang alyansa at mas maparami ang tagasuportang magdadala kay Yorme Isko sa Malakanyang sa 2022.
***
Nababahala ba si Sir Lito na sa mga survey raw, mababa ang rating ni Yorme?
Panatag at kalmado lang siya, kasi sabi nga niya, malayo pa ang takbuhan, malayo pa ang karera patungong Palasyo ng Malakanyang.
Campaign strategist ni Tatay Digong si Banayo noong eleksiyon ng 2016 na pinakahuli sa survey gawa ng huli ring nagpahayag ng pagkandidato.
Marathon ang eleksiyon, kaya sabi ni Sir Lito, mararamdaman ang lakas o hina ng isang kandidato sa Pebrero.
Depende sa maraming factors, ang malakas ngayon, pwedeng humina at malaglag at ang single digit sa rating, madodoble at mas lalakas pa, at ito ang nakikita ni Sir Lito na paglakas ni Yorme sa susunod na buwan.
Pansinin na ang daming alyansang nabubuo para palakasin pa ang Team Isko; yung mga taga suporta ni Pacman, kumalas na at sumanib na sa Aksyon Demokratiko.
Noon daw unang buwan ng 2016, numero 4 lang si Duterte, pero nang magtagal, mula sa 4, umangat nang umangat at alam na natin, siya ang nanalo sa malaking lamang na milyon-milyong boto kina Grace Poe at Mar Roxas.
Sinoman ang sinasabing numero uno o malakas sa tao, hindi pa ito ngayon ang basehan ng kung sino ang mananalo, ayon kay Sir Banayo na batikan at beteranong political strategist na nagpanalo kay Noynoy noong 2010, kay President Erap Estrada noong 1998 at sa tiket nina Cory Aquino at Doy Laurel noong 1986 snap elections.
Winner si Sir Lito kaya panigurado, winner ang paniniwala namin sa Team Isko sa Mayo 2022.
***
O, hindi na kami ang magsasabi kung gaano kagaling si Yorme Isko, ito ang sabi ng DTI na dahil sa mahusay na liderato ng batang basurero, numero uno ang Mayila sa goverment efficiency at infrastructure pillars.
Eto ang matindi, 32 LGUs ang pinataob ng Maynila ayon sa Cities and Municipalities Competitive Index na taunan ay tinitimbang sa husay at galing ng National Competitive Council (NCC).
Magsiraan na sila, basta si Yorme Isko, trabaho lang para sa pamilyang Manilenyo at pag sinuwerte, pag siya ang pangulo, maibabangon ang nakadapang buhay at kabuhayan ng pamilyang Pilipino.
Ayon sa NCC, apat na kategorya nag-numero uno ang Maynila ni Yorme Isko, ito ay sa government efficiency, infrastructure pillars at ikatlong puwesto sa resiliency at economic dynamism.
Kita naman ng tao ang nagawa ni Yorme: Ayuda sa lahat ng Manilenyo, de kalidad na serbisyo sa edukasyon, negosyo, serbisyong medikal, trabaho, hanapbuhay at pagsisikap na mapagkaisa sa iisang diwa at kilos ang mamamayang Pilipino.
Marami pang award na tinanggap ang Maynila dahil sa magaling na liderato ni Yorme Isko, pero ang pangarap niya ay ang paglakas ng pag-asa at pagtibay ng pagkakaisang Pilipino.
Kung naibangon ni Yorme Isko ang Maynila, “maibabangon din niya – kung sasamahan natin si Isko sa kanyang pangarap na mapalakas at mapatibay ang bayan nating Pilipinas!”
Sama na kayo, tayo na. Arangkada na tayo sa bagong Pilipinas sa Mayo 2022.
Pilipinas, God First!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.