Advertisers
AYON mismo sa bibig ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, di kailangan ng sambayanang Pilipino ang isang “weak leader and a spoiled brat” na susunod na presidente ng bansa na hahalili sa kanya.
“Kawawa ang bayan kung ganitong tao ang pipiliin n’yo”, pahayag pa ni Tatay Digong sa isang okasyong dinaluhan nito out of town.
“Ewan ko ba kung bakit marami sa mga kababayan natin ang gusto SIYA, (referring sa kandidatong tinawag ni Tatay Digong na weak leader), cocaine-user din ‘yan”, dagdag pa ng Presidente.
Mga pahayag ito ng Pangulong Duterte di lamang sa nasabing dinaluhang okasyon kundi bagkus, paborito na nitong “litanya” sa lahat ng pagtitipon at venues na kanyang pinupuntahan makaraang iendorso nito ang kandidatura ng kanyang longtime aide and confidante na si Senator Bong Go.
“ Si Senator Bong Go, maaasahan mo ‘yan. Hindi corrupt at talagang masipag. Utusan mo kahit saan, babalik at talagang gagawin ang mga inutos mo”, pagmamalaki pa ng Presidente sa kanyang “manok”!
“Si Bong Go ang dapat iboto ng tao kung gusto n’yong umayos ang inyong buhay…di ‘yung mga anak mayaman d’yan na wala namang nagawa sa bayan, SPOILED CHILD”, pasaring pa ng Pangulong Duterte.
Maaalala na 100 percent ang inilatag na suporta ng Pangulo kay Go sa pagka-Presidente sa darating na Mayo 8,2022.
Ito pa mismo (Tatay Digong) ang nag-ustos at kumumbinsi sa senador na tumakbo sa presidency makaraang magsumite naman ng hiwalay na certificate of candidacy (COC) ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.
Ang pag-iwas ni Go na direktang makalaban ang anak ng kanyang Boss ay isang gesture na sinasabi ng mga miyembro ng ruling party na PDP-LABAN, ay pagtanaw sa malaking utang na loob ni Go kay Tatay Digong at sa malaking respeto ng senador sa kanyang amo at sa Duterte siblings.
Going back sa iba pang katunggali ng opisyal na kandidato ng administrasyon, tila maituturing na “dark horse” itong si Bong Go na bagamat nasa dulong bahagi pa ng mga surveys ay inaasahang reremate sa mga darating na araw.
At the rate Senator Bong Go is going, napakasipag nitong umikot.
Masigla rin ang suporta ng kanyang mga loyalistang taga-sunod.
Bagamat sina BBM, Leni at Isko ang kasalukuyang nasa 1-2-3 spots sa mga surveys in that particular order, hindi malayong makasingit si Go sa pagsapit ng Enero or even late December sa ginagawang pag-iendorso dito ni Tatay Digong.
President Duterte is going out of his way to help Senator Go. Inilalapit nito ang senador sa tao at sa milyong mga loyal supporters ng Pangulo (DDS), pahayag naman ng isang political observer.
Inaasahang makakakuha ng maraming boto si Go sa Mindanao at ilang lalawigan sa Kabisayaan na balwarte ng mga Duterte.
Sa Luzon island kung saan, may mass base nang naipundar si Go, sinasabi na posibleng pumangatlo ito behind BBM and Leni Robredo and eventually cath-up with the two late March or a few weeks before the actual election day.
Malaking bentahe para kay Senator Go ang mga itinatag nitong Malasakit Centers sa buong kapuluan para umasiste at tumulong sa ating mga nagkakasakit na kababayan.
As of this writing, may 150 Malasakit Centers na sa buong bansa na umaayuda sa medical and hospitalization needs ng mga kababayan nating mahihirap.
Go Go Go VPBG!
Ang boto para kay Go ay boto ng may malasakit na tao.
Bisyo ay magserbisyo!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting