Advertisers

Advertisers

Janella may alagang ahas, paghahanda sa pagiging Valentina sa serye; Bea at Lloydie mababa ang views ng bagong commercial

0 228

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa hindi nasunod na iskedyul ng shoot nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz dahil nagka-Covid ang aktres at need pa i-quarantine.

Ang gumawa ng script ng One True Pair The Movie ay si Antoinette Jadaone na siya nang magdidirek.



Nang iso-shoot na ito ay ‘di na puwede or conflict na ang sked sa script-director at iba na ang nagdirek na si JP Habac.

Ang nakalulungkot nga lang daw ay ‘yung script pa na ginawa nung una ang sinunod at ginamit ng bagong direktor.



Kaya may directorial issue pala ang nasabing project na ginawa nina Lloydie at Bea.

May magic pa din daw ang tambalan ng dalawa kaya suggest ng netizens na kung gagawa ng drama series ay sila na nga lang daw ang pagsamahin.



Pero taka naman ang netizens na tila nabawasan ang mahika nina Bea at Lloydie dahil nakita  na mababa ang views nito.

Ipinalabas sa You Tube channel ng Jollibee ang film project ng dalawa ay nagtala lang daw ng 2M views sa tatlong araw.

Di naman expected ng netizens na isang Bea at Lloydie ay naka 2M views lang na higit pa pala ang inaasahan na views sa dalawa.

***

MAY bagong beybi beybihan daw si Janella Salvador na ikinagulat ng mister na si Markus Paterson.

Sa post kasi ni Janella ay may alaga itong ahas na 5-month-old na girl.

Versace raw ang namesung ng alaga nitomg ahas.

Nagprapraktis na raw ito na sanayin ang sarili para ‘di matakot sa ahas.

Kaya nag-alaga ito ng ahas, naku ingat nga raw at baka mapaglaruan ito ng kanilang anak mahirap na.

For sure na alam naman ni Janella na makamandag ang ahas kaya may cage ito.

Paghahanda nga raw marahil ito ni Janella sa pagganap niya sa makabagong Valentina na babaguhin naman ng mahusay na direktor na Chito Rońo ang approach.

Sa post na snake na si Versace ni Janella sa kanyang socmed eh maraming netizens ang nasyokot at nag-a-ask bakit ahas ang inalagaan ng aktres.

Well, well, well…’Yun na!