Advertisers

Advertisers

Rabiya nagpaliwanag sa akusasyong produkto ng ‘Salamat Po Dok’

0 240

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NABABATIKOS si 2020 Ms.Universe Philippines Rabiya Mateo pagkatapos na sumulpot ang kanyang photo sa lumang high school yearbook nang manalo siya sa nasabing timpalak pangkagandahan.

Malayo kasi ang hitsura niya sa nabanggit na souvenir program kumpara sa aura nito ngayon kaya naman inaakusahan siyang nagparetoke o sumailalim sa plastic surgery.



Ipinagtanggol naman si Rabiya ng kanyang mom at sinabi nitong walang pinagagalaw ang kanyang anak sa fez nito dahil natural beauty ito.

Wala namang kumpirmasyon o denial ang Kapuso star hinggil sa akusasyon sa kanya ng ilang mahaderang netizens.



Ani Rabiya, wala raw siyang masamang nakikita sa beauty queens na naging Salamat po Doktor beauties.

Hirit pa ng leading lady ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila,  hindi na rin daw big deal ang pagpaparetoke maging sa ibang bansa sa kasalukuyang panahon.



Iginagalang din daw niya ang desisyon ng mga taong sumailalim sa pagpaparetoke lalo na’t may pera naman sila para gastusan ang naturang procedure.

Dagdag pa niya,  kung feeling daw ng isang tao na makapagbo-boost ng confidence ang pagpapa-enhance ng hitsura, wala raw siya sa posisyon para kontrahin ito.

Speaking of Rabiya, todo papuri naman sa kanya ang butihing Senador Bong Revilla.

Halos take one raw lahat ang eksena nito sa kanilang serye.

Ani Bong, sobrang bilib daw siya sa professionalism nito.

Kahit baguhan, papasa raw ito tulad ng isang pro.

Wala rin daw kaere-ere ito sa katawan at magaling makisama.

Maging sa kanilang fight scenes, palaban daw ito at kinarir din ang kanilang action sequences.

Game rin daw itong nakipagsabayan sa kanilang mga eksena ng  tinaguring Titanic action star sa kanilang GMA-7 teleserye.