Advertisers

Advertisers

Rock Diva Rozz Daniels, type buhayin ang Visayan music industry

0 344

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

GREATEST musical influence ng soft rock diva na si Rozz Daniels ang kanyang dad.

Katunayan, noong sumakabilang-buhay daw ito noong 2015, ang hiling daw nito sa kanya ay ipagpatuloy niya ang kanyang singing career.



Hirit pa niya, gusto raw niyang muling pasiglahin ang Visayan music industry na nakilala sina Pilita Corrales, Susan Fuentes, Sheryn Regis, Dulce, Lani Gomez at marami pang iba.

Dagdag pa niya, gusto rin daw niyang mag-compose ng original Visayan rock music.



“Yes, actually sa tuwing kumakanta ako, kasama minsan sa kinakanta ko ang popular Visayan song na “Usahay.” By singing in Visayan dialect, I remember my late Dad who inspired me to pursue my passion for singing. If ever, I wanna compose Visayan rock, a genre I am comfortable with,” ani Rozz.

Si Rozz ay pararangalan bilang most promising female rock diva of the year sa Phoenix Excellence Awards 2021.



Ang trophy niya at certificate ay ipinagkaloob mismo sa kanya ni Direk Ronald Abad na siyang founder at events director ng nasabing award-giving body sa kanyang presscon.

Ayon kay Rozz, sobrang honored siya na kilalanin ng isang prestihiyosong award-giving body para sa ang kanyang mga awitin.

“It is an inspiration for me to do better in my craft. I’m glad to be recognized for my humble contribution for my music,” aniya.

Si Rozz ay nakatira sa Wisconsin sa Estados Unidos, at naghahanda na sa launch ng kanyang debut single na “Alay sa Iyo” na kinompose ng multi-awarded at legendary OPM icon na si Ivy Violan at ng awiting “Bakit” na mula naman sa komposisyon nina Ms. Ivy Violan at Rannie Raymundo.

Ani Rozz, sobra siyang flattered na nabibigyan siya ng oportunidad na makatrabaho ang ilan sa mga tinitingalang haligi ng Pinoy music industry.

“Actually, nakakataba siya ng puso. It’s indeed a dream-come true for me,”pakli niya.

Sa latest presscon niya, kasama niya sina Mr. Jerome Sangalang, Mr. Harold Evangelista, Mr. Derf Dwayne, Ms. Blessie Cirera, Ms. Analyn Torregosa na pinamagatang The Rocks and Rozz Show, ang kanilang Kumu show na ginagawa every week na napakarami ang napapasaya.

Ang Phoenix Excellence Awards ay gaganapin sa Resorts World Manila, Newport Performing Arts sa Pebrero 18, 2022 na beneficiaries ang Dugong Alay Dugtong Buhay, Angels Helping Hands, Sagip Foundation at The Baby Angels Foundation.

Ilan pa sa mga awardees sina Toni Gonzaga, Wilbert Tolentino, Alex Gonzaga, Ranz Kyle Guerrero, Kath Ryee, Cong TV, Ivana Alawi, Raffy Tulfo, Eat Bulaga, Vice Ganda, Lunch Out Loud, Jessica Soho, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, Martin Nievera, Gerald Santos, Pilita Corrales, Dante Rivero, Gloria Romero, Ivan Mayrina, Vicky Morales, Ronnie Liang, KathNiel, Regine Velasquez-Alcasid, Arnel Pineda, Freddie Aguilar, Morisette Amon, Kumu, TV 5, GMA-7, Padayon ng TV4 at marami pang iba.