Advertisers
KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 response sa bansa sa mga nalalabing buwan nito sa kanyang termino.
Sinabi ni Go na ito rin ang isa sa mga rason kung bakit umatras na ang Pangulo sa kanyang Senatorial bid.
Ayon kay Go, wala nang burden ng pangangampanya sa pangulo at maibibigay ng pangulo ang buong panahon niya sa pagtutok sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.
Tiniyak din ni Go na hanggang ngayon ay wala pang napipisil na presidentiable si Pangulong Duterte.
Gayunman, tiyak aniyang inoobserbahan ng Pangulo ang lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo at tinitignan ang mga makakapagpatuloy ng mga nasimulang programa ng kanyang administrasyon.
Siniguro rin ni Go na susuportahan niya sinuman ang mapiling suportahan ng pangulo sa Presidential race. (Mylene Alfonso)