Advertisers

Advertisers

Paskong Pinoy 2021

0 584

Advertisers

ANG isa sa pinaka-masayang araw sa buong taon nating mga PILIPINO.

Araw ng kapanganakan ng Dakilang Manunubos, ang bugtong na anak ng Diyos na si JESUS CHRIST.

Lahat ng pamilyang Pinoy ay naghahanda sa piling araw na ito kung saan nagkakasama-sama ang buong pamilya para sa tradisyunal na “Noche Buena”!



Mayaman man o mahirap, bata o matanda ay pawang umaasam ng isang tunay na maligayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

May dalawang taon din tayong binalot ng pandemya dulot ng salot na Covid-19.



At sa loob ng nasabing panahon, hindi natin naipagdiwang ang pinakamahalagang okasyon sa ating tradisyon bilang isang lahi kung saan ang lahat ay masaya at nagnanais na makapiling ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa pagsapit ng ika-12 ng hatinggabi tuwing ika-24 ng Disyembre tungo sa pagsalubong ng kapanganakan ng Poong Jesus.

Sa taong ito, tila pinagbigyan tayong muling madama at maranasan ang kakaibang saya na dala ng pagdiriwang ng Paskong nakasanayan na nating lahat ipagdiwang kapiling ang ating mga mahal sa buhay.



‘Yung iba naman na nasa malayong lugar ang iniirog dahil sa obligasyong buhayin ang kani-kanilang pamilya dulot ng kakulangan ng oportunidad dito sa ating bansa ay nagtitiis na mawalay sa kanilang mga anak, asawa at mga mahal sa buhay upang tugunan ang pang-araw-araw na materyal na pangangailangan.

Pinipilit ng mga itong sumaya at madama ang ligayang dulot ng Pasko kahit pa nga dumaraan sila sa matinding pangungulila. Ang mga kababayan nating OFWs na sa tuwing sumasapit ang mga panahong ito ay pilit na ipinakikita ang kanilang saya sa kanilang mga ngiti ngunit sa kabila noon ay ang lungkot na nadarama sa kanilang mga puso dahil nasa malayo nga sila sa piling ng kanilang pamilya.

Kaligayahan nilang makitang nae-enjoy ng kanilang mga mahal sa buhay ang pera at mga materyal na bagay na kanilang naipapadala dito sa Pilipinas. Sa bawat halakhak na kanilang naririnig mula sa kanilang mga mahal sa buhay ay katumbas na hindi maipaliwanag na saya sa kanilang mga puso sa kabila ng kanilang nararamdamang kalungkutan dahil sa distansiyang naghihiwalay sa kanilang mga minamahal.

Sa bawat ngiti ng kanilang mga anak dahil sa aginaldong natanggapap ay ang naising sana’y kasama at kapiling silang nagdiriwang ng kanilang pamilya sa nasabing napakahalagang okasyon.

Napakahirap isiping mawalay ka sa iyong mga mahal sa buhay tuwing araw ng Pasko.

Ang hindi mo sila mayakap kahit gustuhin mo man sa araw na ito. Salamat sa teknolohiya dahil kahit paano ay nababawasan ang distansiyang naglalayo sa kanila ng mga minamahal nila ay napapaikli at nagkakaroon ng katuparan kahit sa malayo na makapiling nila sa okasyong ito ang kani-kanilang pamilya.

Pasko na at nawa’y suma-puso nating lahat ang tunay na diwa ng kapanganakan ni Poong Hesukristo…

Pag-ibig at pagmamahalang bumibigkis sa lahat ng lahi sa sanglibutan!

Merry Christmas everyone!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com