Advertisers

Advertisers

Devin Booker susi sa panalo ng Suns vs Thunder

0 217

Advertisers

KUMAYOD si Devin Booker ng season high 38 points, 7 rebounds,at 5 assists upang pamunuan ang opensa ng Phoenix Suns sa 115-97, wagi laban sa bisitang Oklahoma City Thunder kahapon.

JaVale McGee bumakas ng 16 points at 8 rebounds, Cameron Payne nagdagdag ng 16 points at 7 assists para sa Phoenix, at tinuldukan ang kanilang two-game slide.

Cameron Johnson umayoda ng 12 points,Jalen Smith komulekta ng 11 points at 14 rebounds, habang si Chris Paul nagdagdag ng 10 points para sa Suns.



Sa first quarter, Booker ang naging pang-pitong pinakabatang player sa NBA history na narating ang 10,000 career points.Tinapos ang laro na may 10.034 points.

Si Booker ay umiskor ng 68 points isang linggo laban sa Thunder. umiskor ng 30 matapos itala ng Phoenix ang 113-101 home win kontra Oklahoma City nakaraang huwebes.



Ty Jerome nagtala ng career best 24 points at 8 rebounds para sa Oklahoma City, Aaron Wiggins nagdagdag ng 22 pointsat 8 rebounds para sa Thunder, na naglalaro wala ang kanilang leading scorer Shai Gilgeous-Alexander (ankle) at limang iba pa na sa COVID-19 protocols.

Ang dalawang team ay parehong walang head coaches dahil sa COVID-19 protocols – Monty Williams ng Phoenix at Mark Daigneault ng Thunder. Assistant Kevin Young ang nag coached sa Suns ,habang assistant coach Mike Wilks ang gumabay sa Thunder.



Ang Suns kulang ng apat na players dahil sa COVID-19 protocols, kabilang si Deandre Ayton at Jae Crowder.

Mike Muscala komulekta ng 13 points, Paul Watson nagdagdag ng 11, at Isaiah Roby umiskor ng 10 para sa Thunder.