Advertisers
SAKSI ako sa sobrang init ng pagtanggap na ipinakikita ng mga taong nakakadaupang-palad ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno sa isinasagawa nitong konsultasyon sa iba’t-ibang lalawigan.
Sila ay ang mga mangingisda, magsasaka at public market vendors, gayundin ang mga mag-aaral at ordinaryong mamamayan na nagparamdam ng di mapantayang pagmamahal sa paghintay sa kanya at pakikinig sa kaniyang mga sasabihin. Masigla din silang lumalahok sa kanyang pananalumpati.
Pinakamalupit diyan ang positibong response nilasa tuwing hihilingin ni Moreno na kung maari ay puhunanan siya ng mga ito. Sa anong paraan?
Simple lang. Ang tangi niyang hinihingi mula sa kanila ay ang pagpapaunlak ng piso upang i-text ang isa man lamang nilang kakilala, kaibigan, karelasyon o kamag-anak upang suportahan ang kanyang pagtakbo kung gusto nila ng tunay na pagbabago sa ating bansa.
Kung walang piso, nariyan ang mga libreng free public wifi. Maging ang isang social media post o pag-share ng post na pabor kay Moreno ay malayo na rin ang mararating.
Kung bakit ito hinihingi ni Moreno sa publiko ay simple lang din. Ang kanyang buhay ay isang bukas na libro. Hindi siya anak ng isang mayaman o makapangyarihang pamilya o dynasty at hindi rin siya asawa ng sinumang dati nang nakahawak ng kapangyarihan.
Wala rin siyang yaman na normal nang meron ang mga tumatakbong pangulo o anumang ‘well-oiled’ political machineries para magamit sa kandidatura. Wala ding sinumang pulitko na may apelyidong Domagoso saan mang panig ng bansa.
Dahil diyan, tanging sa mamamayan lamang siya maaring umasa upang tulungan siyang mapamunuan ang bansa patungo sa mas maayos na kalagayan, lalupa’t mga ‘political bigwigs’ ang kanyang makakaharap.
Siya ay umaasa sa tulong ng mga ordinaryong mamamayan na kagaya niyang nangangarap na magkaroon ng tunay at positibong pagbabago para sa kinabukasan ng lahat.
Ilang dekada nang namamayani sa ating bansa ang awayang pulitikal ng dalawang pinakamakapangyarihang pamilya lamang. Nabale-wala na din ang kapangyarihang pulitikal na tila isang bagay na lamang na maaring ipamana kapamilya gaya ng damit.
Naranasan natin kung paano ang bansa sa walang katapusang agawan ng kapangyarihan at paghihigantihan. Samantala ay naiipit sa gitna ang masa na patuloy na nababaon sa hirap at kawalan ng sapat na atensyon pagdating sa mga pangunahing pangangailangan pagdating sa kalusugan, ekonomiya at edukasyon.
Nais ni Isko na ubusin ang kanyang kabataan at lakas sa paglalagay ng tuldok sa lahat ng aking nabanggit at paglulunsad ng mga reporma sa pamamagitan ng mabuti at wagas na paggo-gobyerno.
Hindi siya santo. May mga pagkakamali din siyang nagawa noong araw subalit nagawa niyang lagpasan lahat ng ito upang maging mas mabuting lider.
Sa pagtakbong mayor noong 2019, may mga ipinangako siya at natupad lahat ng iyon at nalagpasan pa.
Mas madali lamang sana sa kanya ang muling tumakbo sa pagka-alkalde ngunit nang makita niya na ang mga political figures na nagnanais mag-Presidente ay ‘yun pa ding mga nagaaway-away sa loob ng ilang dekada na ay nagpasya siyang sa pagka-Pangulo na lamang tumakbo. Hangad niya talagang magdala ng pagbabago para sa ikabubuti ng bansa.
Kailangan na ng lubos na pagbabago sa sustema ng pulitika sa bansa at ito ay maari lamang mangyari kapag tayo ay pumili ng panibagong lider na may mga bagong ideya at tumatakbo dahil gustong magsilbi sa bayan at hindi para lamang maghiganti.
Ang mga nagawa ni Moreno sa Maynila sa loob lamang ng dalawang taon ay kanyang ipinangakong gagawin sa loob ng siyam o sampung taon. Ito ang naging batayan ng “BilisKilos” slogan niya. Kung nais natin ng tunay na pagbabago, sama-sama tayong kumilos. Tulungan natin si Isko.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.