Advertisers

Advertisers

MPD umalalay sa ‘booster vax’ sa Divisoria

0 298

Advertisers

NAGSAGAWA ng ‘booster shot’ ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa bahagi ng Ilaya corner Recto, Manila para sa mga tindera ng gulay, baboy, isda, driver, pahinante at mga kargador sa Divisoria. Kung saan personal na pinuntahan ito nila aspirante sa pagka-Presidente ng bansa Mayor Isko Moreno Domangos, kasalukuyang tumatakbong alkalde ng Maynila Vice Mayor Honey Lacuna Pangan katuwang ang kanyang mister na si OIC Manila Health Department (MHD) Dr. Ronald Pangan. Samantalang, matamang inaalalayan ni Manila Police District (MPD) Station 2 Dagupan Outpost Supervisor PSMS Gerardo Tubera at kanyang mga tauhan ang mga magpapa-boosters. Patuloy ang pagpapaalala nila sa lahat na sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.