Advertisers

Advertisers

Phoebe Walker may pressure sa pagbibida sa ‘The Buy Bust Queen’

0 1,054

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MAPAPANOOD si Phoebe Walker sa pinagbibidahang pelikula titled The Buy Bust Queen. Ngayong January na ito, sa inyong mga paboritong sinehan.

Nabanggit ni Phoebe ang dapat asahan sa kanilang pelikula.



“Abangan nyo po itong aming pelikula dahil ito ay punong-puno ng aksiyon at aral,” pahayag ng aktres.

Aniya pa, “Yes sir! Ako po ang titular role, hehehe. Kaya malaki ang pressure, sobra! First of all, ayaw kong magmukhang phony dahil hard action po siya. Kaya nandoon lagi ang pressure to deliver the script.”



Paano niya ide-describe ang pelikula? Isa ba itong advocacy movie sa campaign ng PDEA kontra droga?

Tugon ng magandang aktres, “Yes po, in partnership with PDEA, lalabas din sa movie si PDEA DIR GEN Wilkins Villanueva. Ipapakita po rito kung paano nagke-carry out ng operation ang PDEA at ano ang core values ng agency.



“Siyempre, may love story din sa gitna po nitong movie,” nakangiting wika pa ni Phoebe.

Sino ang love interest niya rito?

Sambit ng aktres, “Ang love interests po sina Ervic Vijandre and Alex Medina, ‘Ika-nga may pag-ibig sa PDEA, hahaha!”

Nakangiting pahabol pa niya, “Inside joke po sa PDEA kasi, may nagkakatuluyan daw talagang agents.”

Nabanggit pa ni Phoebe na matinding training ang pinagdaanan niya sa paggawa ng pelikulang ito.

“Nag-gun handling po kami bago ang shoot, pati mga formation kung paano pumapasok sa target location and how we cover each other’s back. Kasama po naming mga artista talaga ay mga totoong PDEA agents, kaya very legitimate yung movements namin as a unit.”

Parang balik Ang Probinsyano feels ba o mas intense pa ang ginawa niya sa pelikulang ito, kumpara nang lumabas siya sa serye ni Coco Martin, noon?

“Mas intense po ang experience ko rito, hehehe. Kasi siyempre, main part ako ng story, halos all the scenes kasali ako. Nakakapagod pero sobrang fulfilling talaga siya.

“Hard action… barilan, habulan, all geared-up kami and totoong mga rifle ang gamit namin, kaya tumatakbo kaming more or less 10kg ang bitbit. Pero perspective ko kasi, ako ang nakikisama sa PDEA, privilege ko ‘yun na ma-experience ang ginagawa nila araw-araw. Nakakabilib po,” bulalas pa ni Phoebe.

Bukod kay Phoebe, tampok din sa The Buy Bust Queen sina Ritz Azul, Maxine Medina, Ervic Vijandre, Alex Medina, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Dindo Arroyo, Ricardo Cepeda, Ayeesha Cervantes, at iba pa. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk JR Olinares.