Advertisers

Advertisers

Shaira nagpramis, kakain na nang masustansya

0 328

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TUNGKOL sa health ang pangakong gagawin ni Shaira Diaz habang konektado naman sa career ang plano ni Michelle Dee ngayong 2022.

Sa programang “Mars Pa More,” aminado si Shaira (na regular na napapanood sa iBilib tuwing Linggo ng umaga kasama nina Chris Tiu at Roadfill Macasero) na minsan ay natutupad pero madalas na hindi ang kanyang new year resolution.



Ang pangako niya sa sarili ngayong taon, kumain ng masustansiyang pagkain para maging healthy.

Paliwanag ng aktres, mahilig kasi siya sa junk at fast food.



“Feeling ko this time 26 [years old] na ‘ko kailangan maging healthy na ‘ko,” pahayag niya.

Ayon sa host na si Camille Prats, may mga nagsasabing kainin ang lahat ng gustong kainin habang bata pa, “pero in time [pagtanda] pagbabayaran mo ‘yon.”



Samantala, sinabi ni Michelle na gusto niyang maging most exciting year sa kanya ang 2022 matapos na tila tumigil ang ikot ng mundo dahil sa pandemic.

***

LALAKI uli ang inaasahang baby number 4 nina Iya Villania at Drew Arellano.

Ito ang inanunsyo ni Iya sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, kasama ang panganay na anak na si Primo.

Tinanong ni Vicky Morales si Iya kung maaari nang ianunsyo ang gender ng kanyang paparating na baby.

“It’s a boy!” sabi ni Primo habang pumuporma ng number one sa kanyang mga daliri.

“It’s another boy!” dugtong ni Iya.

Ayon kay Iya, nakakain na niya ang halos lahat ng pagkain sa kanyang paglilihi.

“Meron akong mga food aversions, ang dami kong mga hindi type na kainin. Ngayon bumalik na siya ulit. So lahat nakakain ko na ulit,” anang Chika Minute anchor.

Sa episode ng “Mars Pa More” nitong Lunes at sa Instagram, binati ni Kuya Kim Atienza sina Iya at Drew sa paparating na baby no. 4 ng mag-asawa.

Taong 2014 nang magpakasal sina Drew at Iya, at mayroon na silang tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana.

Samantala, mapapanood si Iya at Chef Jose Sarasola sa 3rd Season ng  ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’ na hatid ng Ajinomoto.

Ang Eat Well, Live Well. Stay Well. ay ang 10-minute cooking show na nagpapakita ng easy-to-prepare recipes na delicious, nutritious, at budget-friendly.

Sa season na ito, maghahanda sina Iya at Chef Jose ng mga masasarap na recipes na perfect for celebrations at home.

Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well. every Friday simula January 7, 2022, 11:20 am sa GMA Network.

***

“MAHAL na mahal ko tong ‘The World Between Us’ family sobra,” quips Erin Ocampo as ‘The World Between Us’ comes to an end.

Kapuso actress Erin Ocampo took a trip down memory lane as she reminisced her most memorable scene with Asia’s Multimedia Star Alden Richards on The World Between Us.

In an interview with GMANetwork.com, Erin shared a moment when she forgot her lines while shooting.

She shared, “Basta late na siya tapos kaunti lang ‘yung line ko tas apat kami doon, kaming magbabarkada. Si Alden, si Jigs, si Pitoy, si Vee tapos, sa sobrang puyat, naambunan ako nung umaga, hindi ko mabigay-bigay ‘yung lines ko.”

“So, shoot ko na, katapat ko si Alden, sabi ko sa kanya, ‘Den, sabihin mo naman ‘yung last na word lang, matatandaan ko na ‘yun,'” she added.

Although Alden was more than willing to help her, Erin could not read the lips of Alden because he was covering it with his hands.

“Hanggang sa inabot na kami ng ilang takes, ‘Den, paano ko makikita kung nakaganun ka. Sana tinanggal mo kasi hindi mo naman shot,’” she said. “Nakakatuwa lang kasi kahit na, alam mo ‘yun, nagiging cause of delay ‘yung isa’t isa, walang nagagalit sa akin, walang nagtatampo kasi alam namin ‘yung pinagdadaanan, well nasa lock-in kami, so hindi siya madali.

“So kung ‘yung isa, nahihirapan that day, and ginagawa namin to each other is to cheer each other up. Hindi kami ‘yung, ‘Ano ba yan, ‘yung character nito, ganyan,’” Erin said.

“Hindi, kasi sobrang magkakapatid kami at nagbibiruan kahit na nasa set. Sobrang nakakatuwa. Mahal na mahal ko tong The World Between Us family sobra.”

Catch the epic last week of The World Between Us on GMA Telebabad after I Left My Heart in Sorsogon.