Advertisers
Ni WALLY PERALTA
DAHIL sa mas malaki, mas kumplikado at mas exciting ang Book 2 ng “Prima Donnas” kaysa Book 1 ay inabot halos ng 3 buwan na nasa lock-in taping ang buong cast ng naturang afternoon serye ng Kapuso Network.
Dahil sa walang makalabas sa venue ay inabot na ng kanya-kanyang drama sa totoong buhay ang mga cast ng “Prima Donnas Book 2″ at isa sa lead cast na si Katrina Halili ang hindi nakaligtas nang dapuan siya ng sakit habang nasa lock-in taping.
“Masakit ang katawan ko, naninigas ang mga kamay ko, hindi ko maigalaw. Tapos giniginaw ako nang sobra. Inalagaan nila ako, lalo na si Miss Chanda who’s very caring,” say ni Katrina.
Noong unang nakaramdam ng pananakit ng kalamnan ay hinayaan muna ni Katrina na gamutin sa pamamagitan ng pain releiver ang kanyang nararamdaman, sa kadahilanan na baka siya pa ang maging dahilan ng cause of delay ng taping. Pero sadyang hindi na kineri pa ni Katrina ang kanyang nararamdaman kaya nag-beg off siyang lumabas at magpahatid sa ospital.
“Tinitiis ko talaga nung una, kasi ayokong maging cause ng problema sa set. Alam kong ang dami pang scenes na kukunan sa akin. But hindi naman puedeng mag-rely na lang ako sa pain relievers, so eventually nagpaalam ako na lalabas ako para magpadoktor. They allowed me naman to leave.
Pina-MRI ako at nagkaproblema sa nerves ko at the back of my neck. But now, thank God, okay na ako, nakabalik naman ako sa set,” dagdag na say ni Katrina.
***
MUKHANG lately ay uso ang pagpapakasal ng mga dating male avengers ng Startstruck.
Una nang napabalitang nagpakasal bago pa man magtapos ang taong 2021 ay si Migo Adecer at naganap pa ang kasalan sa mismong bayan na sinilangan niya, sa Australia.
Sumunod naman si Kevin Santos na kamakailan lang ay kinasal na rin. Tsikang next in line na si Enzo Pineda, at balak na rin pakasalan ang long time girlfriend na si Michelle Vito.
“To be honest, anytime pwede naman ako. Because I really see Michelle as. Alam niyo na. And if we’re both ready, why not, ‘di ba? Ako, game na game ako. I would love to spend my time with Michelle,” say ni Enzo.
Say ni Enzo, naging sobrang inspirasyon niya ngayon sa buhay si Michelle at hindi niya nakikita ang sarili na kinakasal sa ibang babae.
“Isa siya talaga sa reason kung bakit ko ginagawa ‘yung mga bagay na ginagawa ko. And I wouldn’t be the person that I am right now if it wasn’t for her.
“Para sa akin, totoo ‘yung sinasabi na ‘You are who you surround yourself with.’ So I’m very blessed to have a woman who supports me in any way that she can and who inspires me to become better in all aspects. Become a better son, brother, boyfriend, citizen, actor. So ang laking factor niya sa buhay ko in why I’m doing this. And I guess, nakikita naman natin na things are going to the right direction,” say pa rin ni Enzo.
Any plan for wedding date?
“But as of the moment, I think dapat mag-focus muna kami sa careers namin. And Michelle is also busy with a lot of things,” dagdag pang say ni Enzo.