Advertisers
Ni BETH GELENA
NASASANGKOT ang pangalan nina Ogie Diaz at Liza Soberano sa pamba-bash ng netizens.
Dinadamay kasi ni Xian Gaza ang kanilang pangalan sa mga pambabatikos nito sa celebrities na gustong gawan ng ingay.
Sabi nga ni Papa Ogs sa Showbiz Update nila ni Mama Loi, “Wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa ipino-post ni Xian Gaza.”
Nilinaw ni Ogie na wala silang kinalaman ng alagang si Liza sa mga post ni Xian.
Nabanggit kasi ni Xian ang name nila ni Liza sa isang post ni Xian kaya’t maging sila umano ay nadadamay sa mga basher.
Pinagsabihan na rin daw ng beteranong manunulat na tigilan na raw muna ni Xian ang pagiging Marites lalo na kung wala naman daw sapat na ebidensya.
Ayon pa sa writer-vlogger cum nagkakilala raw lamang sina Liza at Xian dahil sa kanya.
‘Chairman’ kung tawagin ni Liza si Xian bagama’t hindi naman daw ito talagang close kay Xian.
Sa pinakabagong Showbiz Update nina Ogie at Mama Loi agad nilinaw ng una na wala umano silang kinalaman ni Liza sa mga post ni Xian.
Nalaman na lang daw na nadadamay ang kanilang pangalan matapos mabanggit ni Xian ang kanilang pangalan ng alagang si Liza kasunod ng mga post na may kinalaman kina Daniel Padilla at Barbie Imperial.
Ayon kay Ogie, nadadamay umano sila ni Liza dahil sa isang burado na ngayong post ni Xian.
May sinabi umano si Xian sa burado na nitong post na hindi niya maaring itsismis si Liza dahil kumpare niya si Ogie na manager ng aktres at mataas din daw ang respeto niya kay Liza.
Gayunpaman, kinausap pa rin daw ni Ogie si Xian at pinakiusapang huwag na silang i-mention pa sa kanyang mga post dahil nadadamay pa sila sa mga pamba-bash ng publiko.
“Para po sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa kung anuman po ang ipino-post ni Xian,” sabi ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Sinabihan ko po si Xian na pare, tigilan mo na muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba.
“Huwag mo na kaming i-mention ni Liza kasi nadadamay kami na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo.”
Sina Ogie at Xian ay magkumpare dahil inaanak ng huli ang isa sa mga anak ni Ogie.
***
DRA VICKI DALAWANG BAHAY ANG TINITIRHAN
SA bagong vlog ng celebriy doctor na si Dra. Vicki Belo guest niya ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda.
Ayon sa doktora may dalawa siyang bahay na tinutuluyan.
Ang isa ay para sa mga ginagawa niyang mga vlog at ang ikalawa ay ang private home nila ni Hayden Kho.
Ayon kay Belo, ang bagong bahay nila ang tinatawag niyang “stage house” na siyang madalas makita ng madlang pipol sa kanyang YouTube channel.
Sa bago niyang vlog na in-upload titled House Raid ay tinour ni Belo ang it’s Showtime sa kanyang stage house.
Nabanggit nga niya na ang dalawa niyang house ay matatagpuan sa isang exclusive village sa Makati City.
Ayon sa doktora ang nasabing bahay ay kahalintulad ng ginagamit ng US reality TV star na si Kim Kardashian. May private home rin daw ang sikat na international celebrity na hindi ipinakikita sa publiko.
Kwento ni Belo, “Kasi, di ba, itong bahay na ’to, medyo na-overexpose. So sabi namin ni Hayden, kapag may bagong bahay na kami, private lang ’yun. All the ganaps here.”
Sey pa ng misis ni Hayden, mas maliit lang daw ng kaunti ang kanilang private home.
May sukat lang daw ito na 2,000-square-meter property.
Ayon pa kay Vicki hindi na sila talaga nag-i-stay sa kanilang 15-year-old home, pero patuloy pa rin nila itong mine-maintain. Naroon pa rin daw ang karamihan sa mga personal niyang gamit.
Plano rin daw nilang ipa-renovate ang isang kuwarto para gawing private cinema ng anak niyang producer na si Quark Henares.
Ipinasilip din ni Belo kay Vice ang kanilang living room pati na ang dating bed room nila ni Hayden kung saan napag-usapan din ng dalawa ang tungkol sa sex life ng doktora.
Natanong tuloy ni Vice si Vicki kung bakit hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya samantalang kering-keri na niyang magbuhay-reyna.
“For me, for other people, kasi I get so happy. You, you’re happiest when you make people happy, right? It’s the same for me.
“But I don’t know how to be a good, witty comedian. I only know how to make people feel beautiful and condiment. When they do, I’m so happy,” sagot ng celebrity doctor.
***
NETIZENS AYAW MANIWALANG 52 NA SI DAWN
BAGO magtapos ang 2021 ay may pinasabog si Dawn Zulueta sa sarili.
Sa edad na 52 ay ibinandera ng aktres na siya ay may asim pa rin.
Very proud niyang in-upload ang napaka-flawless back-baring tropical.
swimsuit.
Pinatunayan lang ni Dawn na ang edad ng isang individual is only just a number.
Ang larawan ng aktres ay kuha nung sila ay nagbabakasyon sa kanilang family-owned Pearl Farm Beach Resort sa Davao Del Norte.
Sinulatan ni Dawn ang sariling larawan, “[emoji] With trepidation: Do I jump or shimmy in to 2022? Coz I’ll be damned if it’s 2020, too! [emoji] #trepidation.”
Ang daming nag-like.at nagpadala ng heart and fire emojis sa ageless beauty aktres.
Nabighani rin sa kanyang ganda ang brodkaster-journalist na si Karen Davila.
“Hahaha good caption! [emoji] but wow you look gorgeous,” sambit ni Karen.
Si Marice Laxa ay walang nasabi kundi “Jump, jump! [emojis]”
Maging ang mga netizens ay hindi maiwasang magkomento, “AYY GOOD MORNING NAMAN PO SA NAPAKAGANDA AT SEXY NA MAMA NAMIN SKSKSM [emojis].”
May mga hindi makapaniwala sa edad ng aktres.
“Ma! Yung totoo, 52 ka na ba talaga? Para namang hindi hehehe sexy mo pa rin[emoji]”
“Omg!!! Ageless mama @dawnzulueta [emoji] sexxxyyyy”
Si Dawn ay isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya.