Drive-thru booster vax sa 4-wheeled vehicles, binuksan pa ni Isko at Honey
Advertisers
ISANG drive-thru booster vaccination site ang binuksan pang muli nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna nitong Miyerkules (Jan. 13) at sa pagkakataong ito ay para sa mga four-wheeled vehicles at puwede kahit ‘di taga-Maynila.
Matatagpuan ang bagong site sa Qurino Grandstand sa Luneta at ayon kay Moreno, ito ay personal na isu-supervised ni Lacuna at ni Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at tutulungan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa ilalim ni chief Arnel Angeles, Manila Traffic and Parking Bureau head Dennis Viaje, city electrician Randy Sadac, city engineer Armand Andres at department of public services chief Kenneth Amurao, na inatasan rin niya na siyang in-charge sa iba’t-ibang aspects ng drive-thru operation.
Ayon kay Moreno, hindi na kailangan na mag-pre-register online para sa mga interesado dahil ito ay first come, first served basis mula 8 a.m.hanggang 5 p.m. May total ng 1,500 doses ang inilaan para sa unang araw nito at ay sapat para sa 300 vehicles na may lulan na maximum na limang occupants bawat isang sasakyan.
“Pwede lima sa isang tsikot. Mabuti ito para sa mga may senior citizen na natatakot lumabas ng bahay. Tiyagain nyo lang ang pagpila. Magkarga kayo ng mahal ninyo sa buhay, magkaibigan, pamilya, officemates,” sabi ni Moreno.
Ang mga booster lanes, ayon kay Moreno ay bilang karagdagan sa mga lanes para sa mga online, pre-scheduled, free swab testing at vaccination ng first at second doses na para din sa mga may sasakyan.
Sinabi pa ni Moreno, na tumatakbo sa pagka-presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, na bagamat limitado ang kanilang manpower at resources ngayon dahil sa maraming bilang ng kawani ang infected ng COVID, ay tumugon pa rin silang dalawa ni Lacuna sa panawagan sa pagkakaroon ng drive-thru booster vaccination site.
“Apat na lane ang bubuksan natin para dito so mabilis ang time in motion dahil apat na ang vaccination site plus tuloy pa rin ang lane ng libreng RT-PCR. Pwedeng jeep, taxi, private, korporasyon, Grab,”, ayon pa kay Moreno na idinagdag din na ang tanging requirement lamang na kailangan ay ang vaccination card.
Tiniyak din ng alkalde na lahat ng vaccination cards ay kikilalanin kahit pa saang city o municipality ito nagmula.
Binaggit ni Moreno na inalis na nila ang pre-registration, dahil gusto nilang i-prioritize ang mga gusto na agad na magpa-booster shot.
Nabatid pa kay Moreno na lahat ng brands ng anti-COVID vaccines ay available sa booster lanes.
Samantala ay nanatili naman ang booster vaccination para sa two-wheeled vehicles sa Bonifacio Shrine sa Kartilya ng Katipunan matapos na tumaas ang demand nito makaraang ilunsad ilang araw na ang nakakaraan. Nagpadala na din ng mga ambulansya si Isko sa mga construction sites upang bigyan ng booster shots ang mga laborers na kasalukuyang nasa construction.
Sa nasabi ding site, muli ay nanawagan sina Moreno at Lacuna sa lahat nang hindi pa nababakunahan na magpabakuna na dahil ito lamang ang paraan upang hindi mauwi sa severe at critical condition sakaling tamaan ng COVID. (ANDI GARCIA)