Advertisers

Advertisers

Truck bumaligtad at tumilapon: 13 patay, 30 sugatan

0 400

Advertisers

Nauwi ang kinapanabikan na masayang outing sa hinagpis nang maaksidente ang isang delivery truck at nagresulta ito sa pagkamatay ng 13 katao at 30 sugatan sa Purok 4, Sitio Bagaay, Barangay Baliwagan, Balingasag, Misamis Oriental.

Kinilala ang siyam na nasawi na sina Edilberto Albios, Elizabeth Bagobalda, Allan Cadenas, Christian Cadenas, Joseph Dalanta, Susan Dalanta, Lolita Sinagot, Estella Maraon, truck aide na kinilalang si Niño Llanasa, pawang mula sa Brgy. Aposkahoy, Claveria.

Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 4 pang nasawi.



Sa ulat, patungo sa isang resort sa bayan ng Langonlong ang truck (AAR 6998) na sinasakyan ng 43 biktima na mawalan diumano ito ng preno dahilan para bumaligtad ito at tumilapon sa kalsada ang karamihan sa mga pasahero.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng national highway sa Barangay Baliwagan 9:30 ng umaga ng Miyerkules, January 12.



Ayon sa report, tumilapon pa ang ilan sa mga biktima, na mga manggagawa at mga pamilya.

Ayon kay Police Master Sgt Roel Pabatao, traffic officer ng Balingasag Police Station, walo sa mga biktima, pawang residente ng bayan ng Claveria, agad namatay at ang mga sugatan naman dinala na sa mga pagamutan, kung saan may apat pa ang binawian ng buhay.



Kabilang sa mga nasugatan ang 31-anyos na driver na si Junryl Cagmat, at ang may-ari ng truck na si Nora Ochigue, ng bayan ng Claveria.

Sa report, 9 katao ang died on the spot at nitong Huwebes, January 13, namatay ang 4 habang nilalapatan ng lunas sa iba’t ibang ospital.

Sinabi ni Pabatao na batay sa inisyal na nakuha nila na impormasyon mula sa survivors na binigyang pahintulot sila ng kanilang punong barangay na maliligo sa isang resort sa karatig-bayan ng Lagonglong para sa kanilang post Christmas party subali’t habang nasa makurbada na bahagi pa lamang umano sila nawalan na ng preno ang elf-truck.

Natuklasan na ang mga naliligo mga barangay workers ng Aposkahoy ng Claveria habang sumama naman ang kanilang mga kaanak dahilan na nasa tatlong sasakyan ang nag-convoy papunta sana sa Del Carmen Beach & Swimming Pool ng maganap ang malagim na aksidente.

Kasalukuyang nilalapatan rin ng medikasyon ang nasa 18 pa na mga biktima na lahat nasa Misamis Oriental Provincial District Hospital ng Balingasag ng lalawigan.

Sa ngayon inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 43 katao na sakay ng elf truck kabilang ang mga tauhan ng barangay at kanya-kanyang pamilya.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng sa nasabing insidente.