Advertisers

Advertisers

Diyosang Buruka

0 649

Advertisers

PANSAMAN-TAGAL na natigil ang tahimik na pagsusulat ko nang tumambad sa aking computer monitor ang imahe ni Gobernadora Gwen Garcia habang sinusukatan ng outfit niya para sa Sinulog. Ang mala-diyosa niyang puting outfit ay may kalakip pang korona na mala-kidlat ang hitsura, na nagparang suot ng diyosa sa pelikulang Clash Of The Titans ni Desmond Davies.

Maganda at mukhang mahal ang sinasabi kong gown. Gagamitin daw ito sa pagbukas ng Sinulog (kahapon bago ilabas ang kolum na ito). Isang full production ang kaganapan a may full production complement na kalakip. Okey lang sana. Kung walang pandemya.

Nakakalungkot isipin na sa gitna ng pinakamalalang pandemya na nasaksihan natin mas minabuti ng gobernador ng Cebu na magsasayaw. Hindi niya inisip na ang Cebu ang isa sa pinakamalala ang inabot sa bangis ng Bagyong Odette, kung saan daan libo ang naapektuhan. Sa ganang akin, hindi ito natataon sa ngayon. Inisip sana ni Gobernadora na ang ibang rehiyon sa bansa, ipinaliban muna ang kanilang selebrasyon at piyesta. Imbes, nagbigay-ng ayuda ang kanilang mga inuno upang tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta. Eto ang saloobin ng isang tao na itatago natin sa pangalang Christine Marie Anthony:



“Where on earth kumukuha ng kapal ng mukha ang isang gobernador na sa kabila ng pandemya at kalamidad na inabot ng kanyang nasasakupan ay nakuha pang magpatahi ng isang kumikinang at busilak sa kaputiang kasuotan na kanyang isusuot sa pagdiriwang ng kapiyestahan ng kanilang bayan?”

Maraming lungsod at bayan na simula pa noong nakaraang dalawang taon ay kinansela na ang kanilang mga taunang pagdiriwang at kapistahan. Halimbawa ang Davao, dalawang taon na kanselado ang pagdiriwang ng Araw ng Davao tuwing Marso at Kadayawan tuwing Agosto. Ang bayan ng Obando sa Bulacan, kanselado ang taunang tatlong araw na kapistahan kung saan tampok ang dinarayong Fertility Dance tuwing buwan ng Mayo. Walang Panagbenga sa Baguio City, walang prusisyon ng Nazareno noong ika-9 ng Enero, at kung ano-ano pang kapistahan sa bansa. Bakit ang pista ng Cebu hindi kanselado? Bakit hindi inilaan ang salaping gugugulin sa okasyong ito para sa mga pangangailangan ng mga biktima ni Odette?



Ang mga taga-Davao, isinakripisyo nila ang handog na PAHALIPAY ng siyudad at ibinigay nila ang kanilang mga gift packs na umabot ng 80,000 bags para sa nasalanta ng bagyo. Maraming mamamayan kung saan-saang dako ang nag-ambag ng kanilang mga salapi alang-alang sa mga nasalanta nating kababayan. Bakit ang isang Gwendolyn ay hindi magawang isakripisyo ang kanyang kagagahan na rumampa suot ang isang maladiyosang kasuotan para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan? Kasama bang tinangay ng hagupit ng hangin ang kahihiyan at katinuan ng babaeng iyan? Nakakasulasok!!!”

Maraming mga rehiyon sa buong kapuluhan ang tumulong. Naghigpit ng sinturon. Hindi maganda ang pinakita ni Gwen Garcia dito. Mukha siyang nilalang na hiwalay sa hirap at pighati na dinanas ng kanyang kababayan.



Siguro kung walang pandemya, Odette, o iba ang kinuha para magbigay ng alay, baka hindi na natin pinaguusapan ito. Pero dahil si Gobernadora nga, e nagmukha tuloy itong pagpapasikat at pang-eepal.

Pangit hindi lang dahil sa nalalapit ang Mayo, pangit dahil pagkatapos ng dinanas sa unos at pandemya. Wala ito sa timing.

Kaya pakiusap sa mga mabubuti at matitinong Cebuano. Isipin mabuti na ang kaunlaran ng pangunahing probinsya sa Katimugan ay nakasalalay sa kalidad ng lider na iluluklok niyo.

Kasihan nawa kayo ng Poong Kabunian. Viva Pit Senyor.

***

MGA PILING SALITA: “Sabi nila, ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling. Minsan, ang magnanakaw at ang sinungaling ay magka-tandem ! Bigla ring naging mahalaga ang isang salita kay Sara, she who said that honesty is not important in politics. Pero yung commitment at isang salita nya ay hindi para sa bansa kundi para kay Marcos at sa partido nya.”- Maris Hidalgo, netizen

“Sa Mayo 18, 2022, magtatapos ang anak ni VP Leni na si Jillian G. Robredo sa New York University sa kursong B.A. in Economics and Mathematics. Natanggap siyang full scholar sa NYU noong 2018 sa kursong biomolecular science pero nagshift sa economics at mathematics nang higit niyang magustuhan ang 2 major subject. Nagtapos si Jillian sa Philippine Science High School, isang paaralan na tanging matatalino lamang ang tinatanggap. Maaalalang bumagsak si Marcos Jr sa economics at politics sa Oxford kahit may tutor, magarang kotse, malaking bahay, katulong, bodyguard, at buwanang allowance na $10,000.” – Cesar Rio Pascual,netizen

“Sinabi ko lang na ang sinumang magnanakaw, sinungalingat kriminal…walang pangalang nabanggit ay hindi dapat iboto, na-troll na ako. Ano ang mali sa mungkahing yan? Di ba tama lang?” – Atty. Nel Sta Maria, dekano ng isang pamantasan sa batas

“People had been misled by leaders who promised a return to a mythical golden past to perpetuate themselves in power.”- Cesar Polvorosa, propesor

***

Abangan Ang Coming Soon:

The most anticipated spy thriller of the century,

THE MYSTERY PASSENGER

Be the first to see the mind-boggling exploits of the fabulous Sec Idol, OO2 Gade!!! COMING SOON!

(DAGHANG SALAMAT RUBEN MALABUYO)