Advertisers

Advertisers

BBM-Sara tandem, pumalag na sa “baklas-poster” sa Maynila!

0 234

Advertisers

NAGNGITNGIT na daw sa galit sina Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr, at Vice Presidential candidate Inday Sara Duterte dahil patuloy silang nakakatangap ng impormasyon na binabaklas ang kanilang mga posters, streamers sa Lungsod ng Maynila.

Kaya naman pala madalang pa sa patak ng ulan ang kanilang poster sa Maynila, puro pagmumukha lamang nila Isko-Ong at Honey-Yul ang makikta sa mga poste’t pader.

Mapapasigaw ka na nga lang na sana all!…..makakapal ang mukha!



***

ITO rin ang itinuturong dahilan kung bakit wala din makita mga streamers at poster ang tandem nina Mayoralty at Vice Mayporalty candidate Atty. Alex Lopez at Raymond Bagatsing.



Mga katoto, hinde maritess ang sumbong na ito ha? Hehe…may ebidensya ang kampo ni Atty. Lopez, mga video clip at photos na huli sa akto, tinatangal ang kanilang campaign materials.

Ang malupit, nakasuot pa ng DPS ang nag-aalis—— meaning, empleado ng city hall!



***

AYON sa kampo nina BBM at Sara. unfair campaign practices ang nangyayari sa Maynila na hindi dapat umiral ngayon halalan.

Nanawagan sila na maging patas sana ang trato ng mga taga city hall at pairalin ang respeto sa bawat kandidato lalo na sa usapin ng pagkakabit ng mga campaign materials.

Be fair, be kind, ‘wag sakim!

***

NAKU, sa totoo lang, sukang-suka na ang Manileno sa pagmumukha nila. Mga pictures pa naman nila itsura nakakaloko, naka-ngiting aso ang mga damuho.

May natanggap pa nga tayo tip na pati daw sa ilang mga public toilet ang nilalagay mga poster nila?!

Okey lang ‘yan, kapag hindi ka maire, titigan mo lang mga mukha nila, ginhawa na!

“PROGRESS IN THE SPEED OF TRUST”

ITO ang batayan ng programa ni Manila Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez na magtiwala sa taumbayan patungo sa mabilis na pag-unlad.

Karaniwan kase nagtitiwala muna tayo sa mga namumuno sa atin, na kahit pinagloloko na tayo naniniwala pa rin tayo.

Kaiba ang motto ni Atty.Lopez ha?!!

***

PERO sa kabilang banda parang may punto si Atty. Lopez, dahil tingnan nyo ang nangyayari sa Maynila, nagtiwala tayo na ang P15 bilyong piso inutang ng Lungsod, ang akala mapupunta sa kapakanan nila ngayong panahon ng pandemya — hinde naman pala!

Napunta lang pala ito sa pagpapapogi “niya” para lalong makilala sa buong bansa para na rin sa kanyang personal na ambisyon.

Ang maging susunod na Pangulo ng bansa, asa ka pa!

***

SA programa ni Atty. Lopez, bilang isang ekonomista, dapat ipinagkatiwala ang pondo sa Manileno upang magamit nila sa kanilang kabuhayan at kalusugan.

Gaya ng pagpapautang sa kanila magamit sa pagnenegosyo, pagpapalakas ng mga health centers, livelihood at skills training at iba pa bagay na direktang kapakinabangan sa mga Manileno at hindi ng mga taga-ibang lugar.

‘Yan ang tunay na God first, hindi ambition first!