Booster vax hub para sa mga drivers ng PUVs, simula ngayong Lunes (Jan.17)
Advertisers
SIMULA ngayong Lunes (January 17), ang city government ng Maynila ay mag-o-operate na ng drive-thru booster vaccination hub para sa transport group, partikukar sa mga drivers ng public utility vehicles (PUVs).
Dahil dito ay nanawagan si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno sa lahat ng mga drivers ng public utility jeepneys, tricycles, sidecars, delivery vans, pedicabs at taxi cabs na samantalahin ang pagkakataong inaalok ng lungsod.
“Pasok ka lang, bakuna, tapos iskyerda na. Dalhin ninyo ang pamilya ninyo tapos uwi na, biyahe na, trabaho na ulit para di masayang ang araw ninyo ng hanapbuhay,” sabi ni Moreno.
Ang vaccination ng mga PUV drivers, ayon kay Moreno ay gagawin sa new building ng Ospital ng Maynila (OM) sa kanto ng A. Mabini Street at Quirino Avenue, malapit sa Manila Zoo.
Ayon kay Moreno ay tinatayang nasa 1,000 doses ang inilaan para sa nasabing drive-thru booster vaccination na magsisimula ganap na 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga doktor ng OM dahil sa kagustuhan ng mga ito na maisagawa ang booster vaccination para sa mga miyembro ng transport groups, gayundin si Vice Mayor Honey Lacuna at si Manila Health Department chief Dr.Poks Pangan na silang mga in charge sa city’s mass vaccination program.
Ang bagong drive-thru booster hub ay karagdagan sa mga umiiral na sa Bonifacio Shrine para sa two-wheeled vehicles sa Quirino Grandstand, sa Luneta para naman ss four-wheel vehicles na ginagawa nang round-the-clock.
Samantala ay ibinunyag ni Moreno ang plano nang paggamit sa newly-rehabilitated Manila Zoo bilang vaccination site para sa mga minors na edad 5 anyos hanggang 11 anyos at sa senior citizens sa susunod na buwan, base sa plano ng gobyerno na simulan nang bakunahan ang mga nasabing menor de edad sa unang linggo ng Pebrero.
Sinabi ng alkalde na may 10,000 indibidwal na ang nabigyan ng booster shots sa Quirino Grandstand’s drive-thru booster lanes para four-wheel vehicles sa loob ng unang tatlong-araw na 24-hour operations.
“Buong Luzon nagpunta sa Luneta. Thank you sa inyo.. tiyagain n’yo lang.
Puwede kayo mag-carpooling. Magbabarkada, puwedeng magsama-sama na… magkakamag-anak at pamilya. Makakapamili kayo ng brand. Salamat sa tugon sa aming panawagan na dagdag-proteksyon sa inyong katawan,” sabi ng alkalde. (ANDI GARCIA)