Advertisers
Arestado ang mag-asawa na tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang naarestong suspek na si Mark Anthony Diwa alyas “Bolok”, 40; Meriam Mariano alyas “Yampot”, 29, kapwa residente ng No.166 I. Diwa St., 8 Ave., Brgy. 59.
Ayon sa ulat, 12:05 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy-bust operation sa bahay ng mga suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P2,500 halaga ng shabu.
Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 11 grams ng shabu na may standard drug price P74,800 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.