Advertisers
Patay ang 21-anyos na lalaki at ang angkas nitong babae nang bumangga sa riprap ng roadside canal ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Sabangan, Santiago, Ilocos Sur, Lingoo ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Robert Abalos Orpilla, 21, construction worker, residente ng Brgy. Guardia, Banayoyo, Ilocos Sur; at Jenny Ann Cawis Bacagan, 28, residente ng Brgy. Elefante, Banayoyo, Ilocos Sur.
Sa ulat, patungo ang Honda XRM 125 na minamaneho ni Orpilla sa kanlurang direksyon.
Pagsapit nito sa lugar, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga ang kanilang sasakyan sa riprap ng roadside canal.
Ang driver agad na dinala sa Candon General Hospital matapos ang insidente samantalang si Bacagan dinala naman sa Candon City Hospital.
Gayunman, parehong idineklarang dead-on-arrival ang dalawa ng mga umatending doktor.