Advertisers

Advertisers

Karambola ng sasakyan: Mag-asawa patay

0 448

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY -Kakasuhan ng double homicide at damage of properties ang ten wheeler truck driver na nasa likod nang pagkarambola ng ilang mga sasakyan sa kahabaan ng Purok 4, Barangay Sinangguyan, Don Carlos, Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Wenefredo Agustin, magsasaka; at Wendelyn Agustin.

Sa ulat, nakasakay ang mag-asawa sa Ford Ranger pick up na kabilang sa nabangga ng trak na minaneho naman ni Florentino Enad.



Ayon kay Don Carlos Police Station commander Maj. Jose Sevellino, galing sa bayan ng Maramag ang trak na mayroong karga na mga tubo ng hindi inaasahan na nawalan ito ng preno kaya inararo ang apat na mga sasakyan.

Sinabi ni Sevellino na nasa tatlong 4-wheels at isang motorsiklo ang inararo ni Enad dahil hindi na nito kontrol ang takbo ng kanyang minaneho na sasakyan.



Nagtamo ng malaking danyos ang pick-up vehicle na sinakyang ng mag-asawang Agustin dahilan na sila ang binawian ng buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">