Advertisers

Advertisers

Warrant of arrest vs killers ng Medical director

0 235

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Lumawak pa ang paghahanap ng law enforcement agencies laban sa mga pangunahing akusado na nasa likod pagpa-ambush patay sa kilalang urologist at nagsilbing hospital medical director na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay City Police Director Colonel Aaron Mandia, na lumabas na ang warrant of arrest mula sa korte na humawak sa kasong murder na kanilang isinampa laban sa mga salarin na tumambang-patay kay Xavier University-Maria Reyna Hospital medical director Dr. Raul Winston Andutan na naganap noong Disyembre 2021.

Sinabi ni Mandia na nakasaad sa inilabas na warrant of arrest ang dalawang pangunahing akusado na hindi muna pinangalanan sa harap ng publiko upang mapabilis ang pagtunton ng tracker team ng PNP sa lokasyon ng mga ito para tuluyang maaresto.



Magugunitang unang tinukoy ng mga imbestigador na mayroong isang babae na kanilang tinutugis na dating nakalaban ng biktima sa usaping pera at umaabot pa ang kanilang pagkakasuhan sa Court of Appeals na maaring maiugnay sa pangyayari.

Bagama’t hindi kailanman pinangalanan ng pulisya subalit kabilang ang anggulo na ito na kanilang pinagbuhusan ng oras sa imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">