Advertisers

Advertisers

UTOS NG DILG SA MGA BARANGAY OFFICIAL, PINALAGAN NG CHR

0 192

Advertisers

KINONTRA ng Commission on Human Rights (CHR) ang utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay na isumite ang mga pangalan ng mga unvaccinated individuals.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, hindi dapat gawing dahilan ang umiiral na pandemya para hindi kilalanin ang mga human rights standards sa lahat ng sitwasyon at pagkakataon.

Nagpaalala si De Guia sa gobyerno na isaalang-alang ang dignidad at karapatang pantao sa mga polisiyang ipatutupad sa gitna ng biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19.



Kabilang dito ang right to privacy ng mga indibidwal.

Dapat din aniyang tiyakin ng DILG na hindi ito pipigil sa mga unvaccinated na maka-access ng mga essential good at services.



***

“NO VAX, NO RIDE” POLICY; LABAG SA KONSTITUSYON



Samantala mariing tinututulan ng ilang kongresista ang “no vax, no ride” policy na ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng public transportation.

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Party list Rep. France Castro, ang nasabing polisiya ay katawa-tawa, labag sa Konstitusyon, anti-poor at discriminatory.

Malinaw aniya na ang public transport ay isang public utility na hindi dapat ipinagkakait sa kahit na sino.

Sa halip aniya na pagbawalan ang mga unvaccinated na sumakay sa mga public transport, bakit hindi umano bigyan ng DOTr ang mga ito ng libreng sakay sa mga vaccination sites, tulungan ang pamahalaan na bigyang-kaalaman ang mga tao sa benepisyo ng bakuna at bawasan ang vaccine hesitancy.

Wala aniyang pinagkaiba ito sa iligal na resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na “no vax, no work” policy.

Dagdag pa ni Castro, nakasaad sa Section 12 ng RA 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act, na ang mga vaccine cards ay hindi ikinukunsidera na dagdag na mandatory requirement para sa edukasyon, trabaho at iba pang kaparehong government transaction purposes.

Binigyang-diin pa ng kongresista na walang siyentipikong batayan ang nasabing polisiya na tanging mga unvaccinated lamang ang nakakapanghawa ng COVID-19.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas at tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood live streaming at Youtube chanel.